KUMUHA si Sarina ng dalawang libro at dumaan sa mesa ng librarian at nag-iwan ng card doon bago tinungo ang mesa para sa mga estudyante. Nakita namin siyang nagbasa. Maya-maya ay sinulyapan nito ang relo sa bisig at ibinalik ang pansin sa libro. “Ayl, naaalala mo ba ang eksenang ito sa kinuwento ko sa inyo?” mahinang tanong ni Saffi na hinsi mapigil ang panginginig ng kamay. Tumango ako sa kaniya. “Hindi ba’t ito iyong araw na namatay si Karen?” sagot ko. Nagpasalamat na lang ako na hindi gumaralgal ang boses ko dahil kanina ko pa pilit na nilalakasan ang loob ko. Gumuhit ang magkahalong takot at pag-aalala sa mukha ni Saffi. “Ayl, sundan kaya natin si Karen doon sa C.R sa quadrangle? Baka sakaling mailigtas natin siya o di kaya ay malaman natin kung sino ang pumatay sa kaniya!” Na

