Chapter 3

1910 Words
“ZYL!” malakas na tawag ko kay Zyl nang makita kong may malaking paniki na dumaan sa ibabaw ng ulo nito. Dali-dali akong bumaba. Nakita ko ang kapitbahay naming si Kuya Eddie na lumabas sa kalsada at nilapitan si Zyl. Lumabas din ako ng bahay at lumapit sa kanila. “Bakit ka lumabas? Bumalik ka na sa loob ng bahay ninyo!” “Nag…Nag-alala ako sa ‘yo.” “Bumalik ka na do’n!” Napatakbo ako pabalik sa loob ng bahay nang maramdaman kong galit si Zyl. Galit ba siya sa ‘kin? Nagagalit ba siya dahil nadadamay siya dahil sa akin? Nilingon ko silang nag-uusap bago pumasok sa loob ng bahay. “Bakit, ate?” tanong ni JM. “Si Zyl. Nasa labas kausap si kuya Eddie.” “Oh, tapos?” tanong niya at tumabi sa akin sa pagkakaupo sa sofa. Naalala kong masyadong matatakutin ang kapatid ko. “Wala. Baka may pinag-uusapan lang sila.” “Ah, ganoon?” “Oo. Saan ka naman pupunta?” tanong ko nang binuksan niya ang pintuan. “Diyan lang kina ate Rose. Uwi ako before nine, ate. Makikipaglaro lang ako kay Mac.” “Sige.” Nang lumabas ang kapatid ko ay sinilip ko ulit sina Zyl at kuya Eddie sa kalsada pero wala na sila roon. Bumalik ako sa kinauupuan ko ngunit napaigtad ako nang may kumatok sa pinto. “JM?” “Zyl ‘to.” Mabilis kong binuksan ang pintuan. Nakita ko siyang nakatayo sa labas at may hawak na sigarilyo. Nangulubot ang ilong ko nang maamoy ang usok galing sa sigarilyo niya. “Bakit?” Pinatay ni ang sigarilyo at initsa sa basurahan. “Pasensya na kung nasigawan kita kanina. I’m sorry.” Umupo ako sa pahabang kahoy na nagsisilbing upuan sa labas ng bahay namin kaya naupo din si Zyl sa tabi ko. “Okay lang. Nagulat ako kanina pero naiintindihan ko.” “Nag-aalala lang naman ako sa ‘yo, Ayla.” Nginitian ko siya. “Alam ko. Salamat sa pag-aalala. Okay ka lang ba?” tanong ko at sinipat ang mukha niya pababa sa braso niya kung may galos ba siya. Bak kasi nakalmot siya ng paniki. “Ayos lang ako.” I sigh. “Zyl, puwede namang huwag na kayong makisali. Naiiwasan ko naman siya, eh. Ayokong madamay ikaw, kayo nang dahil sa akin. Hindi n’yo naman responsibilidad na bantayan ako.” “Ano naman ang gusto mong gawin namin, Ayla? Panoorin na lang siya sa kahibangan niya? Hindi ko kayang tiising panoorin na lang iyon!” “Zyl, I do get your point. Ang sa akin lang, ayokong pati kayo ay idamay niya. Kilala natin siya. Lahat ng nauugnay sa akin ay pinagbabantaan niya.” Nakita kong nagkibit-balikat lamang si Zyl. Kahit medyo madilim na ay malinaw ko pa ring nakikita ang mukha nito dahil nasisinagan ng ilaw mula sa sala namin. Noon ko lang natitigan ng mabuti ang mukha ni Zyl. Hindi na ako nagtataka kung bakit marami ang may crush sa kaniya. Guwapo kasi siya. Ang mga mata niyang sing-dilim ng gabi na binagayan ng makapal na kilay ay tila laging nanunuri. Ang ilong niya’y matangos and his bow-shape lips were thin yet inviting. Wala sa sariling umangat ang kamay ko at hinawi ang may kahabaan na buhok nitong halos nakatakip na sa mukha niya. Zyl’s hair was undercut. Naibalik lang ako sa huwisyo nang hawakan ni Zyl ang kamay ko at ibinaba. “Tapos ka nang suriin ang mukha ko?” tanong nito na nakataas ang isang sulok ng labi. Mabilis kong binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak nito. “H-Hindi, ah! Akala mo naman kung sino’ng guwapo. Nakatakip kasi ang buhok mo sa mukha mo. Ba’t ba ganyan ang gupit ng buhok mo? Ano’ng style ba ‘yan?” sabi ko at inirapan pa ito para pagtakpan ang pagkapahiya. Natatawang itinali ni Zyl ang may kahabaan niyang buhok. A top-knot hair style. Madalas kong makita ang mga ganiyang klase ng hair style sa mga foreign and local male celebrities. “Huwag mo na pakialaman ang buhok ko. Uso ‘yan ngayon. Isa ‘yan sa mga magnet ko.” “Magnet?” takang tanong ko. “Basta!” nakangising sagot nito. Nakita kong kumuha uli ito ng isang stick ng sigarilyo at sinindihan ng lighter. Tinangka kong abutin ang sigarilyo ni Zyl dahil para akong uubuhin sa usok na binubuga nito pero nilayo niya ‘yon sa akin. Tiningnan niya ako at bumuntong-hininga. Binitiwan niya ang sigarilyo niya at inapakan para mamatay. “Ayan, wala na.” “Salamat. Papatayin mo pa yata ako, eh! Ano ba nakukuha mo sa paninigarilyo, eh puro usok lang naman ‘yan!” “Ang arte. Pakialam mo ba?” “Ah, ganon? Eh, ‘di huwag ka na rin makialam sa akin!” Narinig ko siyang tumawa. “Kamusta naman pag-aaral mo?” “Pakialam mo ba,” masungit na sagot ko sa kaniya. “Tss. Kinaganda mo ‘yang pagsusungit mo. Dalasan mo, ha?” pang-aasar niya sa akin. “Ikaw, kamusta ang patambay- tambay lang?” “Heto, pogi pa rin kahit patambay-tambay lang.” “Jusko. Puro kayabangan. Ayaw mo maghanap ng trabaho?” “Bakit wala ba akong trabaho rito sa atin?” “Ano naman ginagawa mo kapag nandito ka?” taas-kilay kong tanong. “Bodyguard mo.” “Ano?” bulalas ko. “Bakit ayaw mo? Libre na nga ang serbisyo ko, eh.” “Baliw!” “Baka kasi bigla ka na lang dagitin, eh. Mahirap na mawawalan kami ng muse tuwing liga.” Hinampas ko siya sa balikat. Hinuli naman niya ang kamay ko at kinulong sa mga kamay niya. Tinangka kong bawiin ang kamay ko ngunit mas lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakahawak. Maya-maya lang ay naramdaman kong minamasahe niya ang kamay ko. Kung tutuusin ay may negosyo naman ang pamilya ni Zyl at pag-aari ng pamilya niya ang malaking parte ng lupain dito sa amin. Pero para sa akin iba pa rin kapag sarili mong pera. “You like it?” tanong nito habang marahang minamasahe ang kamay ko. “Hmmm.. Pwede na,” sagot ko. Parang bigla akong inantok dahil sa marahan niyang pagpisil ng kamay ko, “alam mo puwede ka nang magmasahe. Mas okay ‘yon kaysa patambay-tambay ka lang,” suhestiyon ko habang nakapikit. “Tinuruan mo pa ako. Siya nga pala, may gagawin ka ba sa Sabado?” “Bakit naman?” “Sama ka sa amin sa kabilang baryo. May laro kami roon.” Tumigil siya sa pagmasahe ng kamay ko kaya binawi ko na ang palad ko. “Gabi?” kunot-noong tanong ko. “Malamang. Hindi naman kami naglalaro sa araw. Hindi kami kompleto kaya…gabi.” “Eh, ayoko. Walang kasama si JM dito sa bahay. Isa pa ayokong sumama ‘pag gabi.” “Bakit naman? Hindi naman kita lulunurin sa ilog, ah! Ipapaalam kita kay Tita. Uuwi siya ng Sabado, ‘di ba?” “Huwag na nga! Ang kulit, eh! Ayoko!” “Eh, ‘di huwag. Ang galing pa naman sana ng mga kalaban namin.” Alam ni Zyl na mahilig ako manood ng mga laro nila. Idol ko nga siya mag-basketball, eh. Minsan nga kinukuha pa siya para maglaro tuwing liga sa bayan namin. Noong nagkaroon kami ng liga sa basketball at iba-ibang barangay ang kasali naging champion ang team nila Zyl at siya ang naging MVP. ‘Di ba ang galing? Mahilig kasing manood ng Slamdunk silang magkabarkada. Kung ano ‘yong mga techniques at styles na pinapakita sa Slamdunk ginagaya nila at pina-practice. “Ano’ng oras ba ‘yon?” “Ala sais. Tapos na ang laro by seven, iyon ay kung walang rematch.” “Kasama ba si Rukawa?” Nangunot ang noo niya. “Siyempre kasama ako do’n. Paano nila maipapanalo ang laro kung wala ako?” “Ay, ang yabang! Hindi ikaw si Rukawa! Iyong pinsan mo!” sagot ko. Binansagan ko kasi ang pinasan niyang si Zeke na Rukawa dahil noong naglaro sila minsan ginaya ni Zeke ‘yong move ni Rukawa sa Slamdunk! Bakit ko alam? Kasi mahilig din ako manood niyon. Kaya noong ginawa ni Zeke ang move na ‘yon napahiyaw ako ng L-O-V-E RUKAWA! Kaya ayon, Rukawa na ang tawag ko sa kaniya. Pagdating naman kina Zyl, si Zyl ang Rukawa at si Zeke si Sendoh. Bawat isa sa kanila ay ginaya ang pangalan sa team ng Slamdunk, depende sa kayang gawin ng player. Kaya lang Rukawa talaga ang tingin ko kay Zeke. Crush ko na nga ‘yon, eh! Hehe! Tapos minsan ang tawag nila sa akin Haruko! “O, bakit ka kinikilig diyan? Tsk!” Napasimangot ako sa sinabi ni Zyl. “Ano ngayon sa ‘yo? Umuwi ka na nga!” “Kung makapagtaboy ka akala mo sa akin aso, ah! Ihatid mo nga ako!” “Ngee! Ang layo ng bahay mo rito sa bahay, eh! Pero sige, pagkahatid ko sa ‘yo ihahatid mo din ako pabalik dito?” nakangiti kong tanong. “Huwag na. Uuwi na lang akong mag-isa.” “Ganon naman pala, eh!” “Sige na. Pumasok ka na sa loob. Uuwi na ako.” “Sige. Ingat ka baka makuha ka ng aswang riyan sa labas.” Narinig ko siyang bumulong-bulong. “Ano iyon?” “Wala! Bye!” Pumasok na ako sa loob ng bahay at dumiretso sa kusina. Kumuha ako ng isang baso ng tubig at uminom. “Aaaahhhh!” sigaw ko nang lumundag ang pusa sa harap ko. “Ano ka ba naman Ertha! Tinakot mo ‘ko!” “Ayla! Ayla!” Narinig ko ang boses ni Zyl na sumisigaw sa labas ng bahay. Tinungo ko ulit ang pintuan at pinagbuksan siya. “Bakit? Nambubulabog ka ng kapitbahay!” “Bakit ka ba kasi sumigaw?” “Ha? Eh, kasi si Ertha lumundag sa harap ko, eh kaya nagulat ako. Bumalik ka rito dahil doon?” Napahilamos ito sa mukha at kitangkita ko ang pagka-irita ni Zyl. “s**t! Akala ko kung ano na ang nangyari sa ‘yo! Anak ka ng kagang. Makauwi na nga!” “Tingin mo ganito ako ka ganda kung anak ako ng kagang?” nakasimangot kong tanong. Bigla namang ngumiti si Zyl. Pinitik niya ako sa noo at nilapit ang mukha sa akin. “Ikaw ang pinakamagandang anak ng kagang. Sige na, pasok ka na.” Napasimangot ako. Pinagsarhan ko siya ng pinto pero napapangiti ako pagkatapos. Masarap din sa pakiramdam ang magkaroon ng mga lalaking kaibigan. Sila kasi ‘yong mga kaibigan na hindi ka e-totolerate sa mga maling bagay na ginagawa mo at sinasabi nila kung ano man ang nasa isip nila. Sa totoo lang sa kanila ko lang naranasan na matawag na maarte at suplada. Lalong-lalo na kay Zyl. Siya lang ang may guts na magsabi sa akin na ang pangit ang suot kong damit, masyadong maikli, hindi bagay ang ayos ko ng buhok ko, mga ganoon. Para sa akin mas okay ‘yon kaysa sabihin nilang maganda tingnan tapos hindi naman pala. Higit sa lahat, nandyan sila lagi para sa akin. Ramdam ko naman ang concern nila at na-appreciate ko naman ‘yon. Grateful nga ako kasi sila ang mga kaibigan ko. Umakyat ako sa taas ng bahay namin at inayos ang higaan. Magkatabi na kami ngayon ng kapatid ko kapag natutulog dahil natakot na siya. Wala naman talagang katakot-takot sa bahay namin. Sadyang iniisip lang ng kapatid ko ang napag-kuwentuhan namin ni Mama noong isang araw. Kaya kong matulog dito sa bahay kahit ako lang mag-isa. Inaamin ko mayroon akong mga naririnig minsan pero ano naman ang gagawin ko ro’n? Mas mabuting balewalain ko na lang kaysa pairalin ko ang takot ko. Hindi naman ako ganoon katapang pero hindi naman nila ako inaano kaya hinahayaan ko na lang din kung ano man iyon. Hindi rin ako masyado nag kukwento sa kapatid ko dahil nga matatakutin. Inaayos ko ang mga unan nang biglang parang umiiyak ang pusa. Parang may kaaway ito. Bumaba ako ng hagdanan at sinilip si Ertha pero wala siya sa loob ng bahay. Binuksan ko ang pinto ng kusina at nakita kong parang may kaaway nga ang pusa namin sa labas pero wala naman akong nakikita na ibang pusa. Tumatalon-talon pa siya, umuurong-sulong na akala mo ay may kaharap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD