Chapter 13

1915 Words

NAPAHAWAK ako sa dibdib ko dahil sa gulat. “Wala namang hangin bakit ang lakas ng pagkakasara ng pinto?” Lumapit ako sa pintuan at pinihit ang seradura. Ayaw mabuksan. Pinilit kong buksan ngunit ayaw. Kablaaaag! “Huh!” sigaw ko. Nilingon ko ang corner kung saan nakalagay ang mga projects namin na miniature ng pagoda’s at model ng Taipei 101 ng Taiwan. Nahulog ang isa sa mga miniature. Binundol ng kaba ang dibdib ko. Pinihit ko ulit ang seradura ng pinto ngunit hindi ko mabuksan. “Tulong! May tao ba riyan?” malakas na sigaw ko. Pumunta ako sa bintana at sinilip kong may tao sa labas ngunit wala akong makita kahit isa. Bakit kaya walang nagawi kahit isa manlang na estudyante dito? Binalikan ko ang pinto at kinalampag. “Buksan n’yo na ang pinto, please! Hindi ako nakikipagbiruan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD