PAGKATAPOS ng misa para sa libing ni Saffi ay nagpaiwan kaming magkakaibigan sa puntod ni Saffi. Nakaalis na ang Mama niya kasama si Zenny. Apat na araw lang nakaburol si Saffi at hinatid na siya sa kaniyang huling hantungan. Naupo kami sa damuhan kaharap ang puntod ni Saffi. “Saff, pag-alis namin dito mamaya, huwag mong iisipin na iiwanan ka namin ha,” kausap ni Marge sa harap ng puntod ni Saffi. “Sabihin mo na lang kay Saffi na samahan ka niya sa bahay ninyo araw-araw,” biro ni Chax. Inabot siya ni Marge para kurutin sa braso pero umiwas ito. “Saff, huwag kang maniwala kay Chax. Baliw pa rin ‘yan kay Ayla hanggang ngayon,” ani Marge sabay tawa. “Hoy, anong pinagsasabi mo riyan?” tanong ni Kaye nang marinig ang sinabi ni Marge. Kahit ako ay nagulat. Wala akong alam. Hindi ko nap

