Chapter 11

1816 Words

NAGISING ako dahil nakaramdam ako ng p*******t ng balikat ko. Bumangon ako mula sa higaan ko at naupo. Nakita ko si JM na yakap ang kaniyang paboritong spongebob na unan at mahimbing ang tulog. Kinuha ko ang cellphone ko sa ibabaw ng unan ko at tiningnan kung anong oras na. Nalaman kong limang minuto pa bago mag-alas dose ng hating gabi. Tahimik na sa labas ng bahay at marahil ay tapos na ang inuman. Muli akong napangiwi nang makaramdam ng kirot sa balikat ko. Hinawi ko ang kumot na nakatakip sa ibabang bahagi ng katawan ko at tumayo. “Aahh!” impit na hiyaw ko sabay tukod ng isang kamay sa paanan ng kama ni Mama. “Ayla?” naalimpungatan tawag ni Mama. Namumuo na ang pawis ko sa noo at bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa matinding kirot na nararamdaman. Tila may patalim na gumuguhi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD