HINDI ako makapaniwala sa mga narinig ko. Narinig ng mga kaibigan ko ang boses ko na naiwan sa loob ng music room na iyon at tinangka nilang buksan uli ang room dahil sa pag-aakala nilang ako ang nasa loob. Hindi ako makapaniwala pero alam kong totoo ang sinasabi nila. Hindi sila gagawa lang ng kuwento dahil nakita ko mismo ang ginawa nang balikan ko sila. Nagtaka nga ako bakit hindi kaagad sila nakasunod sa akin,iyon pala’y akala nila naiwan pa ako roon. Bakit ako? Bakit ako na lang lagi ang ginagaya? Bakit hindi si Ayla? Si Saffi o di kaya ay si Marge? Bakit ako lang? Parang sasabog ang ulo ko at parang sasabog na rin ang puso ko dahil sa takot at pagkalito. Natatakot ako para sa sarili ko at para sa mga kaibigan ko pero heto pa rin ako at kasama nila. Naiinis ako sa sarili ko dahil

