“YOU’RE kidding, right, Ayl?” tanong ni Kaye. “Hindi. Chax,” sabi ko at binalingan si Chax. “Naalala mo ba kahapon noong tinanong kita kung may nakasalubong kang bumaba ng library?” Tumango si Chax sa akin. Napasulyap naman ang iba kong kaklase sa bintana ng library dahil ang kinaroroonan namin ay nasa baba lang ng library. “Naramdaman ko kasing may kasama ako roon kahapon. Akala ko manghihiram ng libro. Nang tingnan ko wala namang tao saka lang dumating si Chax para sunduin ako roon sa taas.” “Yeah. Nagulat pa nga kita,” sagot ni Chax na sumang-ayon. “So, you mean, nakita mo rin ang library card ni Karen dela Cruz?” tanong ni Saffi. Tumango ako habang nanlaki ang mga mata nila. “Nagtaka nga ako dahil iba ang nakasulat na numbers library card niya. Something like… dash seventy,

