VII

2125 Words
Nagtangis ang bagang ni Stefan nang makaupo sa harapan ng babaeng katulad niya ay nagulat din. Hindi niya mapigilan ang pagkulo ng kanyang dibdib, na hindi niya malaman kung konsensya ba o galit. The woman last night was… Seb’s fiancee. That woman whom Seb did not stop on talking about. Ito ang babaeng bukambibig ng kanyang kapatid. Ang babaeng dahilan kung bakit pinipilit ng kanyang kapatid na ayusin ang kondisyon ng katawan nito. And she was… marrying him out of convenience. Marahil ay dahil na rin malaki rin ang assets ng kanyang Kuya Seb kahit na hindi pa ito ang magpatakbo ng Meyer Educational Institute. Halata naman sa mga mata ng babae kagabi na hindi ito masaya sa relasyon nito sa kapatid niya, at pinipilit lang nito ang sarili nito dahil naniniwala ito na darating din ang panahon na matututunan nitong mahalin ang kanyang nakakatandang kapatid. Ngunit ngayong alam niya na na papakasalan lang nito ang kanyang Kuya para sa pera, hindi mapigilan ni Stefan ang pagkulo ng kanyang dugo. His brother deserved more than that. He was the kindest man he knew and he did not deserve that bullsh*t! Kaya naman kailangan niyang gawin ang lahat para maipakita sa kanyang Kuya Seb ang totoong kulay ng fiancee nito. At kung ano man ang balak ng babaeng ito sa kanyang kapatid, hindi niya ito hahayaan na magtagumpay. “So, Stef, this is my fiancee, Desarae. Precious, this is my brother, Stefan. The Lilith band's vocalist, remember?” Napuna niya ang bahagyang pamumutla nito na kaagad na itinago ng dalaga sa isang ngiti. Iniabot nito ang palad nito sa kanya at tila ba nakikipagkamay. “It’s a pleasure to meet you, Stefan… I’ve heard a lot of things about you.” Kinuha niya naman ang kamay nito at ngumisi. “The pleasure’s all mine, Desarae. Oh, and I also heard a lot of things about you from Seb, too. Halatang mahal na mahal ka ng kapatid ko,” pagbibigay niya ng diin na ikinapitlag nito nang bahagya. Tumikhim naman si Seb at naiilang siyang siniko. “Hey, huwag mo naman akong ilaglag sa fiancee ko,” natatawang biro nito. Hinawakan naman nito ang kamay ni Desarae at hinagkan iyon. “Well, she quite knew how fond I am of her, so…” Isang matamis na ngiti ang itinugon ng dalaga sa kanyang kapatid. Kung hindi niya nga lang ito nakasama at nakausap ay aakalain niya na mahal talaga nito si Sebastian. Ngunit totoo pala na mahirap maging bulag lalo na kapag alam mo naman ang katotohanan. Desarae was just marrying his brother out of convenience. Out of money, perhaps. Nothing could change that even if she kept on saying that she would eventually learn how to love his older brother. Naging tahimik ang kanilang hapunan, habang siya at si Seb ay nagkukumustahan, si Desarae naman ay tahimik lamang na kumakain. Siguro ay sinadya nitong hindi magsalita masyado dahil na rin namumutla ito. Dahil sa takot sa kanya? Na baka magsalita siya, o hindi naman kaya ay ang masira ang mga plano nito? Hindi niya alam. Ngunit ang tanging nasisiguro ni Stefan ay bahagyang kumikirot ang kanyang puso sa tuwing naiisip ang lagay ng kanyang kapatid. Ang nangyari sa kanilang dalawa ni Desarae noong nakaraang gabi. At ang konsensiya niyang kanina pa siya binabagabag. Bakit naman siya magsasalita at ilalaglag ang babae ganoong alam naman niyang masasaktan niya ang kanyang sariling kapatid? Worse, it could make Seb's condition worse. Ititikom niya lang ang kanyang bibig dahil ayaw niyang masaktan ang kanyang kapatid. Pero kailangan niyang makahanap ng paraan para kusang mapabitaw si Desarae sa engagement nito sa kanyang kapatid dahil ayaw niyang magamit lang ng ibang tao ang kanyang Kuya Seb. "When's the wedding again, Kuya Seb? Para makapag-clear na ako ng schedule. I can ask the boys too if they can perform with me during that day. That is, kung hindi magagalit sina mama…" "Three months from now." Napabuga ng hangin si Seb. "Don't mind our parents. I would gladly want you guys to perform on my wedding day. Ang mahal kaya ng talent fee sa inyo, tapos sa 'kin libre lang. What do you think, Des? Stefan's offering to sing for us at our wedding." Ngumiti naman ang dalagang kanina pa walang imik at hinayaan si Seb na hawakan ang kamay nito. Saglit siyang sinulyapan ng dalaga pagkatapos ay ipinako na nito ang tingin kay Seb, siguro ay dahil na rin nais nitong iwasan na makipagtitigan sa kanya. "That's nice, Seb! I don't mind. Anyway, may mga kailangan pa bang gawin sa kasal? Tutulong na ako—" Napapalatak si Sebastian. "No, ako na ang mag-aasikaso, precious… Just practice your vows and pick the color, theme, and bridal dress design. Ako na ang bahala," nakangiting sabi nito habang masuyong pinipisil ang kamay ng fiancee nito. "I think you should let your fiancee help, Kuya Seb," singit niya sa usapan. "Kasal ang isa sa mga pinapangarap ng mga babae. Para mo namang ninanakawan si Desa ng karapatan na sumaya n'yan," makahulugang saad niya habang sinisimsim ang wine na nasa kopita niya. Nilingon nito si Desa. Napabuntong-hininga at napakamot ng batok. "Do you really want to help, precious? I just… don't want to exhaust you…" Mahinang natawa ang dalaga at ikinulong sa loob ng mga palad nito ang mukha ng kanyang kapatid na kanya namang ikinainis nang bahagya. "Seb, bakit naman ako mapapagod, e kasal natin 'yon? I should really be helping you." "Oo nga naman, para naman magkaro'n pa kayo ng oras na magkakilala. Mamaya nakakasuka pala ugali n'yo, hindi n'yo alam," pagbibiro na naman ni Stefan na may halong laman. Habang humahalakhak ay nakaramdam siya ng malakas na sipa sa ilalim ng lamesa. Napatingin siya kay Seb ngunit nakikitawa rin ito at halos naniningkit na ang mga mata. Sinulyapan niya ang fiancee ng kanyang Kuya at napansin na pinandidilatan siya nito. Masuyong ngumiti si Seb at pinagmasdan ang fiancee nito. "Kahit naman nakakasuka ang ugali ni Desa, papakasalan ko pa rin siya, e. Mahal ko siya. Kaya kong tiisin 'yon kung sakali. At saka…" Napalunok ito at bahagyang napalitan ng ngisi ang matamis na ngiti. "Binigay niya na sa 'kin ang sarili niya. Hindi naman ako siraulong tatakbuhan siya dahil lang may nangyari na sa 'min. Gusto kong maranasan 'yon hanggang sa pareho na kaming tumanda kaya—" Naisubsob ni Desa ang mukha nito sa dibdib ng kanyang kapatid at tila nahihiya pa. "Seb, huwag mo namang ikuwento 'yong—" Parang nais ni Stefan na iirap ang kanyang mga mata. Kung alam lang kaya ni Sebastian na hindi lang rito isinuko ni Desa ang sarili nito, magugustuhan pa kaya nitong pakasalan ang dalaga? If Seb only knew that Desa referred to him as boring and mundane, would he still marry her and adjust himself? And if Seb learned that she really did not want to marry him, would he actually still marry her despite that? Saglit na natahimik ang lalaki habang pinapanood niya ang kanyang kapatid at fiancee nito na nagtatawanan. He did not understand why the mere thought of Desa having s*x with his brother made him feel uneasy. Uneasy and maybe a little bit jealous and— "Ah, Seb, punta lang ako sa restroom saglit," pagpapaalam ng dalaga sa kanyang kapatid. Ngumiti ito at bahagyang pinisil ang pisngi ni Sebastian. "Lagot ka sa 'kin mamaya." Natatawang pinanood ng kanyang kapatid ang papalayong fiancee nito. Pagkatapos ay nilingon siya at mahinang tumawa. "What do you say, Stef? Isn't she lovely?" Tipid siyang ngumiti. "Average. Alam mo naman ako, Kuya Seb. Iba ang hilig ko sa babae." Mahinang natawa ang kanyang kapatid. "Ang sabihin mo, wala sa bokabularyo mo ang pagseseryoso. Seriously, Stefan. You need someone in your life too. Kapag nawala ako, sino pang kakampi mo kina Mama—" "Hey, hey," saway niya sa kanyang kapatid. "Stop saying that. You're scaring me." Inabot niya ang pakete ng sigarilyo sa kanyang bulsa. "Anyway, I'm just going to take a quick smoke, Kuya Seb." Bago pa ito makasagot ay nag-ring ang smartphone nito. May tumatawag sa Kuya niya at halatang importante iyon dahil sinenyasan lang siya nito na tumuloy na sa kung anong gagawin niya. Tumayo naman si Stefan at imbes na sa may smoking area ng restaurant tumuloy, tinahak ng kanyang mga paa ang daan patungo sa unisex bathroom ng kainan at ikinandado ang pinto sa pagkagulat ni Desarae na tila ba pinapakalma ang sarili nito sa loob ng banyo. "Anong—" “Desarae Moreno, huh?” Stefan smirked. “I wanted to ask for your name and number and offer you some company again but when I woke up, you already left. Kaya ba nagmamadali ka, huh? Kasi babalikan mo pa ang Kuya Sebastian ko at magpapanggap na mabait na fiancee?" Sinamaan siya ng tingin ng dalaga. “Get lost, Mr. Meyer. I don’t want anything to do with you. Just like what you’ve said, it’s just a one night stand. Nangako ka na mananahimik at gano'n din ako. Now, let me live in peace. Wala akong intensyon na saktan ang kapatid mo.” Napalunok ito nang mag-umpisa siyang lumapit. Napapitlag pa ang dalaga nang ma-korner niya ito sa tiles na pader ng banyo. The wall probably felt cold to her back but Stefan’s breaths were enough to warm her, as he noticed her squirming and her knees buckling right in front of him. Napangisi siya ngunit nakikipagtalo ang kabilang bahagi ng kanyang utak. What was he even thinking? Nasa banyo pa sila ng loob ng restaurant, at naghihintay ang kapatid niya, na fiance nito, sa labas. His face was just inches away from her, and as time flew, it went closer, and closer, and closer... “Mr. Meyer,” nanginginig na saway nito sa kanya ulit. “Stay away–” “Why, Desa?” he taunted her. “Don’t you remember how you kissed me first last night? How you begged for me to bring you to heaven? How you f*cking scratched my back as I pounded you hard on the bed? How about the feeling of my mouth on your p*ssy, huh? What’s holding you back now? Is it because we’re in a public place? Or was it because of my brother?” “You—” Mas lalong lumapad ang pagkakangisi niya nang mag-umpisang maglandas ang kanyang kamay sa laylayan ng bestidang puti nito, dahilan para muli itong mapalunok. Pilit na pinipigilan ni Desa na mapaungol nang maramdaman ang mga daliri niya sa loob mga hita nito. “Oh, honey. Even if you don’t answer, I got a lot of ways to make you. What Stefan wants, Stefan gets, after all. And you, Desarae Moreno, won’t hurt my brother because if I have to seduce you just to protect Seb, I would gladly do,” he whispered before conquering her lips, engulfing any protests that her mouth made. Isang malutong na sampal ang kanyang natanggap na kanyang ikinatawa. Bahagya niyang nalasahan ang lasa ng kalawang sa kanyang bibig, dahilan para maglabas si Stefan ng panyo at punasan ang kanyang labi. Nang sulyapan niya ang babae ay madilim ang mukha nito. "You assh*le—" Natigilan ito nang ipakita niya ang maliit na singsing na kanyang ibinulsa. Ang engagement ring nito mula sa kanyang kapatid na naiwan nito sa VIP room niya sa Red Angel. Napangisi si Stefan. "I'm sure you recognize this, Miss Moreno. I can tell my brother everything… and you are done for, do you even know that? Kahit gaano ka pa kamahal ng kapatid ko, mas papaniwalaan niya ako dahil alam niyang kahit kailan, hindi ako magsisinungaling sa kanya." Akmang hahablutin nito sa kanya ang singsing ngunit kaagad niyang naitaas ang kanyang kamay. Maliit lang ang dalaga kaya naman kahit na anong gawin nitong pagtalon ay hindi pa rin nito maabot ang kanyang kamay. "How about we came up with an agreement, Miss Moreno? I have simple demands, don't worry." Napalunok ito. "At ano 'yon?" He shrugged. Pagkatapos ay ngumisi si Stefan. "In order to get back this ring and for my silence, I'm just asking for thirty nights, Miss Moreno. Thirty nights with me. Sundin mo lang ang gusto ko at hindi kita pipigilan na pakasalan ang kapatid ko dahil kita ko naman kung gaano siya kasaya sa 'yo. Pero kapag hindi ka pumayag at kapag hindi ka sumunod sa usapan… gagawin ko ang lahat para hindi matuloy ang kasal n'yo." Mahina siyang tumawa. "So, what do you say, Miss Moreno? Thirty nights, that's all I ask. And then, I would forever keep my silence. But if you refuse… I got a lot of ways to stop your plans and your f*cking wedding to my brother. So what is it, sister-in-law?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD