I

1438 Words
Dapat ay masaya si Desarae habang kumakain ng mamahaling steak sa isang five-star restaurant noong gabing iyon. Iyon ang gabi kung kailan nag-propose sa kanya si Sebastian Meyer, ang kanyang manliligaw at may-ari ng paaralan kung saan niya tinapos ang kanyang pagkokolehiyo. Ngunit wala siyang makapa ‘ni gatiting na pakiramdam ng saya noong mga oras na iyon habang masaya naman ang mga magulang ni Sebastian na nakikipag-usap sa kanyang Ninong Timothy na halatang nangangati na naman ang palad sa paghawak ng perang mahihita nito sa kanya. Hindi na siya nagtaka. Kung tutuusin, nasanay na si Desa. Iyon naman ang madalas na gawain ng kanyang ninong dahil hindi nito mahawakan ang kanyang minana maliban na lang kapag ikinasal na siya, ayon na rin sa last will and testament ng kanyang mga magulang. “Desa, are you alright? Are you enjoying the food?” Napalingon siya sa kanyang fiance. Mababa ang tinig nito at pabulong pa ang pagtatanong. Ginagap nito ang kanyang palad sa ilalim ng lamesa at masuyong ngumiti. Halatang sopistikado ang lalaki sa paraan ng pagkain nito, pati na rin sa pagkilos. Tipid na ngumiti si Desa kay Seb at tumango. “Yes, I am enjoying the food. How about you, Seb? Are you alright? You look pale.” Mahinang tumawa si Seb at tumango. “I am. Medyo nalulungkot lang at wala ang kapatid ko. He said he had a concert somewhere. I can’t force my superstar brother to attend my party, you know? Besides, my parents would not like him here anyway…” Mabait si Sebastian. Hindi mahirap mahalin. Alam ni Desarae iyon. Sa katunayan ay madalas ang outreach program pati na rin ang mga donation drive na ginagawa nito at ng mga magulang nito sa iba’t ibang panig ng bansa. Ang mga ito rin ang mga pinakamalaking donor sa ampunan na pagmamay-ari ng kanyang mga yumaong magulang. Sa kabila niyon ay kailan lamang sila nagkakilala. At parang kailan lang din noong diretsahang sinabi nito sa kanyang ninong na nais siya nitong ligawan. Naisip naman ng kanyang Ninong Timothy na idiretso na iyon kaagad sa engagement para masiguro nito ang pera na makukuha nito mula sa kanya. Pero kung siya lang din ang tatanungin, mas nais niya na makilala pa nang lubos si Sebastian. Hindi naman siguro kalabisan kung mas gusto niya na umusbong ang kanyang nararamdaman nang hindi siya pinipilit o minamadali. “Don’t worry, precious. I’ll set a private dinner with him para magkakilala naman kayo bago tayo ikasal. I want you guys to get along, anyway.” Lalong lumapad ang ngiti nito. “Besides, I know you’re uncomfortable right now, precious… Hayaan mo, tatapusin na natin ‘tong dinner na ‘to kaagad, okay?” Ngumiti siya at hinayaan na hawakan ni Sebastian ang kanyang kamay. “I’m looking forward to that, Seb.” Hanggang sa matapos kumain ay hindi binitawan ni Sebastian ang kanyang kamay sa ilalim ng lamesa. May pagkakonserbatibo ang pamilya nito kaya naman hindi na siya nagtataka na hindi ito ang tipo na clingy at mahilig sa PDA. Relihiyoso rin ang mga Meyer at naniniwala ang mga ito na mahalaga ang paraan ng pagtrato nila sa iba. Kaya rin siguro lubhang maginoo ang kanyang mapapangasawa. Ngunit kapag silang dalawa na lang, hindi niya maitatanggi na may kapilyuhan din ang lalaki. Maginoo pero medyo bastos, ‘ika nga. Nang pauwi na ay nagprisinta si Sebastian na ihatid siya sa kanyang apartment. Ang kanyang ninong naman ay dumiretso na sa bahay-ampunan dahil doon ito natutulog at nagpapalipas ng gabi. Hinayaan niya ang kanyang fiance na ipagmaneho siya kahit na pareho pa rin silang walang imik. Tila hindi naman iyon inalintana ng lalaki dahil may ngiti pang nakapinta sa mga labi nito habang nakatuon ang mga mata sa daan. Maraming magsasabi na tanga siya dahil sa nararamdaman niyang pag-aagam-agam noong mga sandaling iyon. Hindi niya naman maikakaila na pakiramdam niya ay sarili niya lamang ang kanyang iniiisip sa tuwing napapadaan sa isipan niya na huwag munang pakasalan si Sebastian at kilalanin muna ito nang maigi. Ngunit kahit na naisin niya mang gawin iyon ay alam niyang hindi papayag ang ninong niya na ganid. Isa pa, may mas malalim pa siyang dahilan, at hindi niya hahayaan na masaktan ang mga pinoprotektahan niya dahil lang sa kanya. “Salamat sa paghahatid, Seb,” magiliw niyang saad bago inalis ang kanyang seatbelt. Ngumiti naman si Sebastian at hinaplos ang kanyang pisngi bago siya hinagkan nang saglit sa labi. “Anything for you, precious. Sige na, pahinga ka na. See you tomorrow?” Tumango na lamang si Desa at bumaba na, bitbit ang kanyang handbag. Hinintay niya muna na makapagmaneho ito papalayo bago siya umakyat sa apartment na kanyang tinutuluyan. Nang makapasok sa loob ng kanyang unit ay pabagsak niyang inihiga ang sarili sa sofa. Pakiramdam niya ay drained na drained siya ganoong ilang oras lang naman ang ginugol niya kausap ang mga magulang ni Seb. Hindi pa nga siya gaanong nagsalita dahil singit nang singit ang kanyang Ninong Timothy. Napatingin siya sa kanyang smartphone nang tumunog iyon. Bahagya siyang napangiti nang makita na si Seb pala ang nagpadala ng mensahe, nagsasabi na pagkauwi ay matutulog na ito nang diretso. Pagkatapos magpadala ng reply ay pinatay niya ang kanyang smartphone at ipinikit ang kanyang mga mata. Alam naman ni Desarae ang kanyang mga responsibilidad. Simula noong mamatay ang kanyang mga magulang ay napilitan siyang mabuhay nang mag-isa. Hindi rin naman siya inaalagaan ng kanyang ninong na nakakuha sa custody niya kaya naman walang ibang pagpipilian si Desa kung hindi ang maging responsable. Ang maging sunud-sunuran sa kanyang ninong. Kinuha niya ang kanyang smartphone nang muli na namang iyong tumunog. Lumapad ang pagkakangiti ni Desa nang makita na tumatawag ang kanyang matalik na kaibigan na si Helena. Kaagad niya namang sinagot iyon. “Lena! Napatawag ka?” “Tapos na ba ‘yong date mo kasama si Director?” Malungkot siyang napangiti. “Yeah. Okay naman. Nakilala ko na ‘yong mga magulang niya. Pinag-uusapan na rin namin kung kailan ang kasal at saka inaawitan na rin nila ako ng apo… Well, normal lang naman siguro ‘yon–” “You don’t sound happy, Des. Are you really alright?” may bahid ng pag-aalala na sabi ni Helena sa kabilang linya. “I don’t want to pry pero may problema ba, Des? Baka matulungan kita…” Pumeke siya ng tawa. “I’m just tired, Lena… Isa pa, masyadong mabilis ang mga pangyayari. Parang noong nakaraang buwan lang nag-umpisang manligaw si Sebastian tapos ngayon ikakasal na kami. Wala man lang akong oras para i-absorb ang lahat. Isa pa… alam mo naman na wala pa akong nararamdaman para sa kanya, ‘di ba?” Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Helena sa kabilang linya. “O, e akala ko ba, madali lang mahalin si Director? Nasabi mo na ba sa kanya ‘yang problema mo? Baka naman makaintindi ‘yon. Mabait naman siya, sabi mo nga. Tama lang naman siguro kung gusto mo ng kaunti pang oras para makilala niyo ang isa’t isa.” Pagak na natawa si Desa. “Alam mo naman na hindi papayag si Ninong, Lena. Isa pa, ayaw kong magkaroon na naman ng dahilan ang matandang ‘yon para guluhin ako. As long as sinusunod ko ang gusto niya, okay kami.” “Hay, naku. Ikaw ang bahala. Ay, oo nga pala, Desa. Baka gusto mong sumama sa ‘min? Post-graduation celebration, kumbaga. Dito sa Red Angel.” Napabangon si Desa. “Naku, baka–” “Baka ano? Malaman ni Director? Hindi niya malalaman, pangako. Ako ang aako ng kasalanan kapag nalaman. Dali na, Des! Bihira ka na lang namin makakasama kapag kinasal ka na. Isa pa, kailangan mo rin mag-unwind paminsan-minsan.” Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Desa bago tuluyang tumayo. “Okay, fine. Pupunta na lang ako d’yan. Magbibihis lang ako at magpapalit ng damit para hindi naman ako mukhang out of place. Love you, Lena!” Binaba niya ang tawag bago nagtungo sa kanyang closet at nagpalit ng damit. Pagkatapos makapaglagay ng kaunting makeup at naisuot ang kanyang salamin sa mga na makakapal ang lente ay umalis na si Desarae. Hindi niya naman na siguro kailangan pang mag-ayos nang todo. Magpupunta lang naman siya roon para makasama ang kanyang mga kaibigan, wala nang iba pa. Hindi niya naman kailangang makipagkilala sa ibang mga lalaki. Engaged na siya kay Sebastian Meyer at iyon ang dapat na itatak niya sa kanyang isipan. Para maprotektahan ang kanyang mga pinakamamahal. Kailangan niyang pilitin ang kanyang sarili na mahalin ito. Kahit na ang kapalit man niyon ay ang pagkakanulo sa sarili niyang nararamdaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD