KASALUKUYANG nag-iinom sa loob ng isang bar si Elisse. Wala siyang ibang kasama at hindi naman na bago sa kanya ang gano’n. She’s not really the friendly type, and it seems that the people around her doesn’t like her at all.
Maybe that’s one of the reasons why she didn’t want to reveal her true identity that she’s been hiding behind the pen name of Henrietta Wynter. Some people she knew appreciate and acknowledge her through her works, since they didn’t know that she was the one who created those stories.
But when she met or bumped with one of them, they didn’t mind her and even bother to talk her. It’s as if she didn’t exist at all.
As much as she wants to deny it, the truth is that she’s just too afraid that people will also reject her as Henrietta Wynter once they found out whom she really is.
“Cheers!” Itinaas niya ang hawak na shot glass, bago tinungga ang laman nito.
Nginitian naman siya ng bartender. “Mukhang napaparami na po ata ang inom n’yo ngayon, Ma’am. May problema po ba?” tanong nito sa kanya, habang may pinupunasang bote ng wine.
Napailing naman si Elisse at napabungisngis. “Nope. I’m actually celebrating,” sagot niya pagkababa ng shot glass.
Ngayong araw kasi ni-release ang bagong erotic novel niya sa ginanap na book signing event ng publishing house na kasalukuyan niyang kinabibilangan. Bukod sa pagiging libro ng isa na naman niyang akda ay ipinagdiriwang din niya ang dami ng kopya na napagbilhan nito sa unang araw palang.
Napatango naman ang bartender at agad na nilagyan nito ng laman ang shot glass niya.
“Congratulations on whatever it is that you’re celebrating, Ma’am. This is on me.” He smiled at her once again.
Natigilan naman si Elisse at napahigpit ang hawak niya sa shot glass na nasa harap niya. Madalas siya kung pumunta sa bar na ‘yon kaya kahit papaano ay palagay na siyang kausapin ang bartender doon at malamang na pamilyar na rin ito sa kanya.
A bittersweet smile made its way on her lips. Mababaw man para sa ilan, pero hindi niya maipaliwanag ang sayang nararamdaman ng marinig ang pagbati nito sa kanya. Iba pala talaga sa pakiramdam kapag narinig niya ang salitang ‘yon ng harapan. Hindi niya lubos maisip na manggagaling pa ‘yon sa isang estranghero na walang kaalam-alam tungkol sa kanya.
“Thanks,” aniya, bago muling diretsong tinungga ang baso na naglalaman ng margarita.
Pagkatapos ay nag-abot na siya ng bayad at nagpaalam na sa bartender. Gustuhin man niyang manatili pa ay hindi naman siya puwedeng malasing ng todo dahil kailangan niya pang magmaneho.
Pero kahit ganoon ay hindi niya maikakaila na may kaunting tama na rin siya. Kaya naman ay hindi niya maiwasang kulitin ang mga lalaking nakakasalubong niya na makisaya sa kanya, sa paglabas niya ng bar. Sa mga ganitong klase lang kasi siya ng pagkakataon tila nagkakaroon ng lakas ng loob.
Bukod sa hindi pagkakaroon ng mga kaibigan ay hindi pa rin niya naranasan ang magkaroon ng nobyo. Kaya naman ay hindi niya maiwasang isipin na baka sa kanya nga mayroong mali.
Ngunit tinatawanan lang siya ng mga lalaki, habang ang iba naman ay sumisipol.
Mukhang wala rin siyang makakasama ng matino sa mga ito kung sakali. Kaya naman ay nagpatuloy na lang siya sa paglalakad. Maybe she’s better off alone.
Hanggang sa bigla siyang matigilan nang bumangga siya sa kung anong matigas na bagay. Dahil doon ay nakaramdam siya ng bahagyang pagkahilo.
Agad siyang nag-angat ng tingin at bumungad sa kanyang paningin ang isang may katangkaran na lalaking nakatayo ngayon sa harap niya. Mukhang bumangga siya sa matitipuno nitong dibdib.
“Hey, do you want to have some fun? You should have celebrated with me,” wala sa loob na aniya ni Elisse sa lalaki na may seryosong ekspresyon ang mukha. Tila nahihipnostismo siya sa kulay tsokolate nitong mga mata.
Tinaasan naman siya ng kilay ng lalaki, bago nito inilabas mula sa bulsa ang wallet at muling napatingin sa kanya.
“Magkano ba?”
Napakurap si Elisse at napakunot ng noo. Mukhang nang dahil sa nainom ay kung ano-ano na lang din ang naririnig niya.
“What did you say?” tanong niya rito.
Mas lalo naman nitong inilapit ang mukha sa kanya. “Magkano ka ba? Handa akong magbayad ng kahit magkano basta sumama ka lang sa ‘kin sa hotel. We can celebrate whatever it is there and have fun at the same time,” aniya sa nang-aakit na boses.
Sa pagkakataong ‘yon ay tila tuluyan ng nawala ang epekto ng alcohol sa katawan ni Elisse. Mabilis na lumapat ang kanyang palad sa pisngi ng lalaki na halatang nagulat sa ginawa niya.
“I’m not a prostitute, you asshole!” naiiritang aniya rito, bago tuluyang naglakad palayo.
Kahit kailan ay hindi niya inakala na mapagkakamalan siyang bayarang babae. To think that she’s even wearing a formal attire right now.
Nang dahil sa nangyari ay hindi magagawang kalimutan ni Elisse ang lalaki. Pero sisiguraduhin niya na hindi na muli pang magkukrus ang kanilang mga landas.
Napadilat si Elisse nang marinig ang malakas na tunog na nanggagaling sa maliit na orasan na nakapatong sa ibabaw ng bedside table. Inaantok na inabot naman niya ‘yon at pinatay.
Napakurap siya at wala sa loob na napatitig sa kisame. Ilang taon na rin ang nakalilipas magmula ng mangyari ang insidenteng ‘yon.
Pero bakit naman ngayon niya ito napanaginipan?
Malalim siyang napabuntonghininga, bago dahan-dahang bumangon. Nagulat pa siya nang mapansin na malapad ang kama na hinigaan niya.
She roamed her eyes all over the room. Doon lang niya muling naalala na nasa mansyon nga pala siya ni Cameron.
Napailing siya at nagsimula ng mag-asikaso. Ngunit sa pagbukas niya ng pinto para lumabas ay napaatras siya nang makita si Cameron sa tapat nito. Nakabitin pa sa ere ang nakakuyom nitong palad na akmang kakatok.
“What are you doing here?” nagdududa niyang tanong sa binata.
“I was about to wake you up, since the breakfast is already set, and I thought you’re still sleeping,” Cameron answered defensively.
Tuluyan na siyang lumabas at isinara ang pinto. “You don’t have to do that next time. I’ll get up whatever time I want.”
Nagkibit balikat naman si Cameron at hindi na umimik pa. Nauna na itong maglakad at tahimik lang din siyang sumunod rito.
Nang makarating sila sa dining area ay agad na bumungad sa kanyang paningin ang mga pagkain na nakahain sa mesa. Napaawang naman ang bibig ni Elisse.
Right on the table there’s cheesy tuna omelette, pancakes, ham and cheese sandwich, and a fried rice with hotdog and scrambled egg.
“Mukha ba akong malakas kumain? Saka wala ka bang pasok sa opisina ngayon at nagawa mo pang iluto ang lahat ng ‘to?” takang tanong niya pagkaupo.
As far as she remembers, it’s only Friday today. Kaya normal lang na nasa opisina dapat ito ngayong araw at ng ganitong oras. It’s already nine in the morning.
Cameron chuckled. “I’m the boss. So I can go to the office whatever time I want. Besides, my ever efficient secretary is there.”
Napasimangot naman si Elisse. “Ang hangin, hah.”
Akmang lalagyan ni Cameron ng pagkain ang plato niya ng maagap niya itong napigilan.
“Stop right there. Pinatira mo na ako ng libre sa bahay mo kaya hindi mo na kailangan pang gawin ang mga ganitong bagay. I can do it myself.”
Sa totoo lang ay matagal ng pangarap ni Elisse ang maramdamang espesyal siya sa isang tao. Kaya naman ay halos ibuhos niya ang buong pagmamahal sa dating nobyo at ipagkaloob ang sarili rito dahil ito lamang ang kauna-unahang nagparamdam sa kanya ng gano’n bukod sa mga magulang niya.
Not until she discovered that he’s just using her. Doon niya lubos na napatunayan na wala siyang ibang puwedeng pagkatiwalaan at tanging siya lamang ang magmamahal din sa sarili niya.
Nawalan na rin siya ng pag-asang makahanap pa ng isang taong tatanggap at totoong magmamahal sa kanya. Makukuntento na lamang siyang isalin sa mga salita sa kanyang mga nobela ang mga bagay na gusto niyang maranasan sa buhay.
“Who told you that it’s free?”
Natigilan naman si Elisse at naguguluhang nag-angat ng tingin kay Cameron.
“Since you insist for me to stay here, I assume it’s for free,” pagpapaala niya rito. “How much is the rent then? Because if it’s costly, then I’ll just better move out.”
Hindi naiwasan ni Elisse ang makaramdam ng iritasyon. Pagkatapos siya nitong pilitin na tumira roon ay maniningil pala ang binata.
Napailing naman si Cameron. “You don’t have nothing to worry about. Because it’s not how much, sweetie.”
Nagsalubong ang kilay ni Elisse. “Huh? What do you mean?”
Tumayo si Cameron at nagsimulang maglakad palapit sa kanya. Hindi naman humihiwalay ang mga mata nito sa kanya at gano’n din naman siya rito.
Halos mahigit niya ang hininga nang bigla itong tumigil sa harap niya at yumuko. Hinawakan naman nito ang baba niya at bahagyang itinaas dahilan para magpantay ang kanilang mga mukha.
“You’ll know about it yourself.”
Unconsciously, Elisse rolled her tongue to her dry lips. Ni hindi na niya naintindihan ang sinabi ng binata dahil natuon na ang kanyang atensyon sa makasalanan nitong mga labi.
“f**k,” Cameron cursed under his breath before he claimed her lips.