Chapter 9

1595 Words
MALAMIG at presko ang simoy ng hangin sa balkonahe ng kuwarto ni Elisse. Kaya naman ay naging paborito niya itong tambayan. Mayroon din kasi ritong isang bilog na mesa at rattan na upuan, kung saan ay gumagawa siya ng kanyang nobela. Inabot niya ang tasa na naglalaman ng kape, bago muling nagpatuloy sa pagtitipa. Ilang araw na rin ang lumipas magmula ng manatili siya sa mansyon ni Cameron. Hangga’t maaari ay hindi siya masyadong nalabas ng kanyang kuwarto. Puwera na lang kung kakain. Baka kasi kung saan na naman sila humantong ni Cameron sa oras na magkalapit silang dalawa ng husto. Ngunit natigilan siya nang makarinig ng sunod-sunod na katok, kasabay ng biglaang pagtambol ng kanyang dibdib. Muntikan na niyang matabig ang tasa na nasa isang tabi nang dahil sa pagkabigla. She cleared her throat first. “Come in,” pormal niyang anyaya, bago umayos ng pagkakaupo. Pilit na nagpopokus siya sa kanyang ginagawa. Ilang sandali pa ay narinig niya ang dahan-dahang pagbukas ng pinto, na sinundan ng mahinang mga yabag. Tumigil ito malapit sa kinaroroonan niya. “Ilang araw ka ng nakatago rito. You want to go somewhere? Para malibang ka naman kahit papaano.” Natigilan si Elisse at nilingon ang binata. Sa totoo lang ay may mga pagkakataon na gusto naman talaga niyang lumabas para gumala. Pero hindi kasama sa plano niya na dapat ay kasama si Cameron. “Where to?” tanong niya. Cameron shrugged. “Supermarket. I’ll buy some stuff. Halos ubos na rin ang stocks ko sa kitchen, eh.” Napaisip naman si Elisse. Sabagay ay halos paubos na rin ang mga personal niyang pangangailangan. “Okay. Pero hiwalay tayo ng kotse na gagamitin,” suhestiyon niya. Naipakuha na kasi ni Cameron ang kotse niya na naiwan sa apartment na inuupahan niya noon. Tumaas ang isang kilay ni Cameron. “And why is that? Are you afraid of something?” Nanunukso ang ngiti nito na sumilay sa kanyang mga labi. Taas noong hinarap naman niya ito. “Wala akong dapat na katakutan sa ‘yo.” He crossed his arms. “Then you should go with me. Makakatipid ka na sa gas, may personal driver ka pa,” panghahamon nito sa kanya. Napailing na lang si Elisse. Kahit ano talagang sabihin niya ay palaging may banat ang binata sa kanya. “Fine!” Tinaliman niya ito ng tingin. “But don’t do something naughty!” Itinaas ni Cameron ang dalawang kamay. “Sa pagkakaalam ko ay wala pa akong ginawa na hindi mo nagustuhan.” Kinuha ni Elisse ang unan na sinasandalan niya sa upuan at ibinato rito. “Ang manyak mo talaga!” Cameron laughed. “Whatever you say. I’ll just wait for you downstairs.” Hindi na umimik pa si Elisse at muling binalikan ang ginagawa para i-save ito. Sa paglabas ni Cameron ay inayos na niya ang mga gamit at nagsimula ng mag-asikaso. Pinili niyang suotin ang kulay puti na floral dress at itim na doll shoes. Pagkatapos ay naglagay lamang siya ng powder at lip tint, bago tuluyang lumabas at bumaba. Naabutan niya si Cameron na nagbabasa ng diyaryo sa sala. Tumikhim siya upang makuha ang pansin nito. Napaangat ito ng tingin sa kanya. Ngunit nakaramdam siya ng ilang nang hagurin siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. “Bakit ganyan ang suot mo?” tanong ng binata at marahas na ibinaba ang hawak na diyaryo. Napakunot noo naman si Elisse. “Anong problema sa suot ko?” Tumayo si Cameron at naglakad palapit sa kanya. Nahigit niya ang hininga nang paglandasin nito ang kamay sa nakalantad niyang braso. “It’s as if you’re asking me to f**k you right here, right now,” he whispered. Hinampas naman niya ito sa braso. “Pervert!” Pero sa totoo lang ay nasasanay na rin si Elisse sa tabas ng dila ng binata. Cameron chuckled. “Mamimili lang naman kasi tayo.” Napakamot ito sa batok. “Anyway, ayos na rin naman ang suot mo. Let’s go.” Elisse can’t help but make faces when Cameron turned his back at her. Minsan lang naman kasi siyang lumabas kaya gusto niyang suotin ang mga pang-alis niya. Ilang sandali pa ay lulan na sila ng sasakyan nito at binabaybay ang daan patungo sa pinakamalapit na Supermarket. “Ikaw ba talaga ang personal na namimili? May napunta namang katulong sa bahay mo ilang beses sa isang linggo,” hindi napigilang tanong ni Elisse dala ng kuryosidad. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakilala niya ang mga katulong nito noong isang araw lang. “They’re just in charge in cleaning the house and doing the laundry. But when it comes to cooking or any related stuff and buying the groceries, I do it personally,” Cameron answered as he focused his eyes on the road. Napatango-tango naman si Elisse at itinuon na lang ang atensyon sa labas. In fairness naman sa binata, hindi nito inaasa ang lahat sa katulong. Pagkarating nila ng Supermarket ay agad na kumuha si Cameron ng pushcart at inilabas nito ang listahan na dala. Napanguso si Elisse. Hindi kasi siya sanay maglista ng mga bibilhin niya. Sabagay ay hindi rin naman niya masisisi ang binata. Mahilig kasi itong magluto kaya kakailanganin talaga nito ng maraming stock at ingredients. Nagsimula na silang maglibot. Mabuti na lang at kahit papaano ay hindi naman ganoon karami ang tao. Kasalukuyang nagtitingin si Cameron sa fruits section, habang si Elisse naman ay nakatabi lang dito nang may isang babae ang biglang tumawag at lumapit kay Cameron. Gulat na napaangat ng tingin si Elisse rito. Napakurap siya nang bigla na lang nitong hawakan si Cameron sa braso at hilahin palapit sa katawan nito. What the hell? “I didn’t expect to meet you here! What a coincidence.” The woman laughed, as her eyes sparkled with excitement. Hindi naiwasan ni Elisse ang makaramdam ng inis sa bagong dating. Bukod sa malandi nitong boses ay hindi rin maganda sa paningin ang makapal nitong make-up. Bakas naman ang iritasyon sa mukha ni Cameron na halatang nawala na sa mood. Pasimple rin nitong inalis ang pagkakahawak sa kanya ng babae. “Yeah,” walang gana nitong aniya. “What do you plan to do after? I’m available right now. So we can hang out and eat to catch up with one another,” pangungulit pa ng babae. “I don’t actually have any plans. Uuwi na ako diretso pagkatapos.” Napanguso naman ang babae. “Ikaw naman. Ngayon na nga lang ulit tayo nagkita. It’s nice to talk about the good old days, you know. Most especially those times we spent together in my room.” Bumungisngis pa ito. Sa pagkakataong ‘yon ay tuluyan ng napatid ang tinitimping pasensya ni Cameron dito. “Will you please shut it? Can’t you see that I have someone with me?” Ngunit hindi nakinig ang babae at ni hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Ikinuyom ni Elisse ang kanyang palad. Tila ba gusto niyang dagdagan ang kapal ng make-up ng babae. But she had a different plan. Habang abala sa pag-uusap ang dalawa ay kinuha niya ang pushcart nila na nasa isang tabi at nananadya na dumaan sa pagitan ng mga ito. Sa pagkakataong ‘yon ay nakuha niya ang atensyon ng babae. Nanlilisik ang mga mata nito na tumingin sa kanya. Habang si Cameron naman ay tila nagpipigil ng tawa. Sa isang iglap ay nagbago ang mood nito. “Sorry. Nakaharang ka kasi,” mataray niyang saad sa babae, bago lumingon kay Cameron. “Shall we?” Napatango naman ang binata sa kanya. With that, Elisse smiled triumphantly. Ngunit bago pa man sila tuluyang makaalis ay biglang humarang ang babae sa daraanan nila at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Mas lalong nag-init ang dugo ni Elisse nang dahil sa paraan ng pagtingin nito sa kanya. Kaya naman ay hindi niya dapat makalimutan na itanong kay Cameron mamaya ang pangalan nito. Hindi niya ugaling pumatay ng karakter sa mga nobela niya. Pero parang gusto niyang gamitin ang pangalan ng babae, bilang bagong karakter sa kasalukuyang nobela na isinusulat niya na papatayin rin agad. “Who is she? Flavor of the month?” The woman smirked. Akmang magsasalita si Cameron ng itaas ni Elisse ang kanang kamay upang pigilan ito. “No. I’m the flavor of the century.” She smiled sweetly at her. Napaawang ang bibig ng babae at hindi makapaniwalang napatitig sa kanya. Kaya naman ay kinuha na nila ang pagkakataon na ‘yon para tuluyan itong lampasan. “I guess, you’re staying on the mansion for the rest of your life then, huh,” Cameron whispered behind her ear. Naguguluhan namang nilingon ni Elisse ang binata. “What? Isang buwan lang ang usapan natin, ah,” paalala pa niya. “But you said earlier that you’re my flavor of the century. That’s a hundred year, babe.” He grinned. Nang dahil sa sinabi nito ay unti-unting bumagal ang naging paglalakad ni Elisse. Suddenly, realization hit her about what she meant on her statement a while ago. Mariin siyang napapikit at napakagat labi. Tila gusto niyang tuktukan ang sarili. Masyado kasi siyang nagpadala sa emosyon niya. Kaya naman ay hindi na niya nagawa pang pag-isipang mabuti ang mga salitang lumabas sa bibig niya. Idinilat niya ang mga mata at humarap kay Cameron. She’s about to explain, but he cut her off. “No buts or whatsoever. Kailangan mong panindigan ang sinabi mo.” Sumipol ito, bago nagpatuloy sa paglalakad, habang tulak-tulak ang pushcart. Right at that moment, Elisse knew that she will struggle again to convince him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD