Three months . Ang sinag nang araw ang unang bumati sa mga mata ko. I opened my eyes slowly until I saw someone's reflection. A shadow stood before me, staring at me. Bumilis ang t***k ng puso ko at pinikit ko ulit ang mga mata ko. Saan nga ba ako ngayon? Tama, nasa Isla ako at kasama si Lorenzo. Bumangon agad ako na nakapikit ang mata. That shadow is scaring me and I am too scared to open my eyes. Para akong baliw na kinapa ang nasa harap ko, pero wala naman akong maramdaman dito. Kaya minulat ko na ang mga mata ko. There was no one here except me. Nilingon ko pa ang bawat gilid ng kwarto at mag-isa lang talaga ako rito. Ang orasan sa harap na nasa ibabaw ang unang tinitigan ko. . . alas utso na ng umaga. Nasa gilid ng kama pa rin ang apat na maleta ko at ang iilang gamit ko rito.

