Nang mapagod na siya sa kaniyang paglangoy ay umahon na siya sa beach at pumunta sa kaniyang umbrella . Umupo sa malapad at colorful na tuwalya sa lilim ng malaki at malapad na payong . Kinuha ang kaniyang sunglasses sa kaniyang tabi at isinuot . Alas tres ng hapon , ramdam ni Lyka ang init ng sikat ng araw . Sa loob ng mahigit Isang linggo na pananatili Niya sa Siargao Retreat Beach ay balewala sa kaniya ang kahinatnan ng kaniyang kulay . Sa araw-araw niyang pagtampisaw sa tubig ay nakuha na Niya ang perpektong tan na hinahanap ng mga foreigner kapag sila ay gustong mag pa tan . Kinuha ni Lyka ang coconut drink na nasa kaniyang tabi . Gamit ang straw ay Inubos Niya ang laman ng niyog . It's so refreshing, she thought . Ang beach na ito ng Siargao ay perpektong isla

