Lyka ... "Finally !" malakas na sabi ni Jake ng dumating na kami sa Manor house ng mga Mateo . Mula sa labas ng gate ay kita ang dekorasyon ng kanilang bakuran . Ang kanilang malawak na front yard ay napapalibutan ng dekorasyon, a rustic decoration na bumabagay din sa bilang ng taon ng kanilang bahay . I love the settings , I love the decoration , gusto ko rin ang kulay ng mga palamuti nitong may tema ng ancient times . Halos paliparin ni Raphael ang sasakyan kanina para makarating kami sa Mandaluyong na malayo mula sa biyahe namin sa Alabang . "What took you so long !" sumbat ni Jake sa amin ng kami ay lumakad na papasok sa bakuran ng Manor, hawak ni Raphael ang aking kamay . Hindi nakaligtas Kay Jake ang paghawak ni Raphael sa aking kamay habang kami ay nagtuloy-tuloy

