“Tama bang address itong napuntahan natin? Parang walang tao,” taka kong tanong kay Kowru na nakatingin sa kanyang google map sa tablet. Tumango sa akin ito bago ibinaling ang tingin sa bahay na nakatayo sa aming harapan, “Wala nang ibang lugar within the vicinity that fits the “In front of X.R Gasoline Station” description, Ambassadress.” Sabay kaming lumingon sa aming likuran kung saan nakatirik ang isang malaking station ng gasolinahan na ngaun ay busy sa pag rerefill ng mga tangke ng gasolina. Ibinilik namin ang aming mga mata sa two storey na bahay na halatang ancestral house na curiously ay mukhang hindi nadamage ng nagdaang gyera several years ago. Bagamat bakas ang katandaan sa istilo ng bahay, hindi maikakaila na well maintained ito at alagang alaga ang bakuran na puno ng mga

