“Merry Christmas Verna!” masayang bati sa akin ni Ravinder sabay subo ng isang kutsara ng chocolate cake. “Merry Christmas Ravinder!” sagot ko naman as sabay lagok sa ice cold coke na inorder niya para sa akin. Pagkagaling sa airport ay dinala nya ako sa Resorts World Manila kung saan siya naka check in. He got us an exclusive and expensive v.i.p room sa isang world class restaurant para sa aming Christmas celebration. “Actually, naghihintay na ako na mangati ka Verna. You are allergic in these kind of places,” sabi niya sa akin in a matter of fact voice na halos hindi ko na makilala sa sobrang lalim. Napailing na lang ako as I looked around the expensive room just for the two of us. The expensive century old wine at ang mga pagkain na mas malaki pa sa isang taon kong sahod sa Consite

