"Halika, Verna. Tayo ka sa tabi ko." Buong galang akong naglakad papunta sa kinakatayuan ng pinaka importanteng babae hindi lang sa Hyillia kundi pati na rin sa Akimrea at Uyghuristan. Ang babaeng nakatalikod ngayon sa akin at nakatingala sa kalangitan ng Hyilliopolis na puno ng mga bituin na nagniningning at kumukutikutitap. Nang makarating na ako sa kanyang tabi ay nakita kong hawak-hawak nya ang munting parol na ibinagay ko sa kanya kani-kanina lamang, ilang oras pagkarating namin sa kanyang bansa. Walang pagsidlan ang kanyang tuwa ng isa-isang ipinakita namin sa kanya ang ipinakiusap nyang pasulubong mula sa Pilipinas. "Kamusta naman ang naging endeavor mo sa Philippines?" tanong ni High Priestess Yella sa akin habang patuloy na nakatingala sa kalangitan, "Was it fruitful?" I nod

