GUSTONG ma-guilty ni Panyang kapag naririnig niya ang usapan ng mga
tsismosa sa paligid. Naging malaking balita sa lugar nila ang 'black lady' sa puno ng
mangga. Pati si Olay na walang kamalay-malay ay natatakot rin. Ano ba naman kasi ang
malay niya na may mga bata pa ng ganoong oras at makikita siya? Minsan talaga ay hindi
na rin niya maintindihan ang trip niya sa buhay.
Naputol ang pagmumuni-muni niya nang dumating si Olay sa shop niya.
Sumulyap siya sa suot niyang wrist watch. Ang aga yatang rumampa ang baklang 'to!
"Naks! Ang aga ng rampa natin ngayon ah. May bago kang papa?" panunudyo
niya dito.
"Hay naku bakla, ayoko mag-stay doon sa tindahan ko ng gabi. Hayun at umupa
na nga lang ako ng magba-bantay na malakas ang loob." Litanya nito habang hindi
maipinta ang mukha sa sobrang simangot.
"Eh bakit naman?"
Nagkamot pa ito sa ulo. "Girl, haven'tyou heard the latest freaky news?"
"Anong news?" kunot-noong tanong niya.
"So scary talaga! May nagpapakita daw na black lady sa punong mangga. Mgabatamismo ang
nakakita. Hayun at nilagnat daw sa sobrang takot ang dalawang bata. Nakitanga rin daw ni Ken
'yong black lady." Napalunok siya. Pati siya aynapakamot ng ulo kahit hindi naman
makati.Lord, hindi ko naman po intensyongmanakot eh...
"Eh Olay, may sasabihin ako sa'yo.Wala naman black lady eh." Aniya.
"Ha?"
"Oo. Hindi totoo 'yon. Nagkamali lang'yong mga bata."
"Paanong nagkamali?" naguguluhang tanong nito. "Ako'yong babae sa puno ng mangga. Naka-
abaya kasi akong itim n'on."
"What?Luka-loka ka talaga!"
"Hindiko nga sinasadyang manakot! Iyon ang sinuot ko kasi nga nagtatago ako.Dahilalam kong
kapag may nakakita sa akin siguradong mang-aasar ang mga 'yon. Eh nakitaako ng mga bata.
Ayun! Ganoon na nga ang nangyari."
"Hay... abnormal ka talaga!"
Natawa na lang siya matapos angrebelasyon niyang iyon. Kahit kailan talaga ang mgatao sa
kanila ay napaka-exaggerated. Isang beses na nagkaroon ng sugat sa paasi Olay.Kumalat agad
iyon sa buong Tanangco at ang simpleng sugat ay naging kanser na samga tsismosa.
Ilang sandali pa ang lumipas nangmakuha ang atensiyon nilang magkaibigan ngpumaradang
dalawang itim na sports car. Halos magkasabay na bumaba sa kani-kaniyangsasakyanang
dalawa ring lalaki. Pareho niyang kilala ang mga ito. Ang isa ay si Rupert,angtagapangasiwa
kapag may karera. At ang isa ay walang iba kundi ang mortalniyang kalabansa racing. Si Gilbert
Landicho. Bigla ay kinabahan siya nang magtama ang paninginnila ng huli.
"Sino 'yan girl?" usisa ni Olay.
"Kilala mo?"
"Oo. Kalaban ko sa racing 'yung isa."
"Bakit nandito sila?" tanong ulitnito.
Hindi na niya nasagot pa ang kaibigannang pumasok ang
dalawa sa shop. Nagsukatansila ng tingin ni Gilbert. Ngunit ito rin ang bumawi sa huli.
"Anong kailangan n'yo?" pormal niyangtanong.
"Gilbert asked for a rematch." AniRupert. Humalukipkip siya saka matalim natiningnan ang
una.
"Ilang beses na ba kamingnag-rematchnito. Four or five?" "I demand a rematch," singit nito sa
usapan.
"Tapos kapag natalo ka, sasabihin mona naman na dinaya kita," mataray na sabi niya.
"How can you be so sure na mananalo kathis time?" anito.
"And how can you be so sure you'll winthis time?" balik niya sa sinabi nito.
"Malay mo. Luck would never be yoursall the time, Panyang."
"Really? Says who?"
"Me."
Bumuntong hininga siya bago sumulyapkay Olay na tahimik lang sa isang tabi at
nagmamatyag.Sumesenyas ito sa kanya na huwag pumayag sa alok ng dalawa.
"I can't," aniya. Tumawa si Gilbert. Tawang may bahidnang pangungutya.
"That is something new,the great Pamela Aramburo. Umaayaw sa laban."
"Look, hindi ako puwede ngayon. Mainitang mga mata sa akin ngayon ng Lolo koat ng pinsan
ko." Naiiritang wika niya.
"Since when did you care about whatwould others say?" tanong ni Gilbert.
Tiningnan niya ng mas matalim ito.
"Hindi ako kasing sama ng iniisip mo, Gilbert.Hindi tayo magkatulad. Now,
kung iyon lang ang kailangan n'yo. The answer isNo.Puwede na kayong umalis." Sagot niya
sabay talikod.
"One million." Ani Rupert.
"What?" magkasabay pa sila ni Olay.
"Isang milyon ang pustahan. Just forone night," sabi ni Gilbert.
"Kelan?" tanong niya. Tumaas ang isangsulok ng labi ng huli.
"Bukasng gabi. Same place. Same time."
"I'll think about it," sagot niya.
"I'll give you a call Rupert."
"Okay," usal nito. Iyon lang at umalis na ang dalawa.
"BAKLA,huwag ka na kayang tumuloy? Ako ang kinakabahan sa gagawin mo eh.Pinagalitan
ka lang noong isang linggo dahil diyan, 'di ba? Siguradong uulaninka nanamanng sermon
kapag nalaman 'to nila Dingdong." Ani Olay.
"Olay, I'll be fine. Huwag kangmag-alala. Basta kapag may nagtanong sa'yo. Angsasabihin mo
lang ay hindi mo alam."
"Panyang, hindi mo kailangan ng isangmilyon. Marami ka n'on. Please, huwag kanang
tumuloy." Patuloy na pangungumbinsi ni Olay.
"It's not about the money, girl.Tungkol ito sa pride at sa dignidad ko bilang numberone drag
racer." Napakamot ng tenga si Olay.
"Ikaw nanga ang bahala, basta umuwi ka agad ha? Tawaganmo ako."
"Okay."
Iyon lang at pinasibad na niyaang kotse. Pagdating niya sa mismong lugar kungsaan gaganapin
ang match nila ni Gilbert aynaroon na ito, si Rupert at ilang mga kakilala na rin niya. Ngunit
nakakapagtakangiilanlang ang mga naroon. Kung milyon ang pustahan dapat ay marami ng
tao pagdatingniya. Nag-park siya sa isang tabi sakabumaba ng kotse. Lumapit agad si Rupert
sa kanya.
"Bakit konti lang ang tao?" tanong agad niya.
"I don't know. People should be hereat this moment. Malapit nang magsimulaangmatch
n'yo," paliwanag nito.
"Paano ka nakakasiguro na
walang ibangplano 'yang si Gilbert?"
"Dude, kaibigan ko siya. Hindi namanniya siguro ako kayang taluhin." Nagkibit-balikat lang
siya.
"Sana ngaRupert. Pero parang kinakabahan ako. Hindiko maintindihan. Parang may
mangyayaring masama."
Tinapik siya nito sa balikat.
"That isso not you, Panyang. Kahit kailan hindi ka kinabahan. Relax. Hindi na bago sa'yo ito."
Huminga siya ng malalim. Sana nga'ymali ang kutob niya.
Makalipas ang tatlumpung minuto. Hindipa rin dumami ang mga tao. Kaya't nagpasyana si
Rupert na simulan na ang laban nila. Pinuwesto na nila ang kani-kaniyangsasakyan.Dobleng
concentration ang binigay ni Panyang sa laban na iyon. Hindi siya maaaringmatalo ngayon.
Papatunayan niya sa Gilbert Landicho na ito na nagkamali ito namuli siyang hinamon nito.
Sinulyapan niya ang kalaban. Kataka-takang kampanteito.Walaang dating gigil nito kada na
lang may laban sila. Pumuwesto na si Rupert sa unahan.
Itataas pa lang nito ang puting tela nang biglangnagsulputan ang mga mobile police car sa
paligid nila na nanggaling sa kung saan. Agad na umahon ang takot sa dibdibniya. Napamura
siya ng wala sa oras. Nilingonniya si Gilbert. Nakangisi ito. Ang walanghiya! Isa lang patibong
ang lahat.Magingsi Rupert ay galit na galit. Minura nito ng minura ang kaibigan.
"Traidor ka!" galit na galit sigawniya.
Hindi ito kumibo. Bagkus ay bumaba itong kotse at itinuro siya sa mga pulis. SiRupertna
kaibigan ng walanghiya ay pinosasan sa mga kamay.
"Hayup ka Gilbert! Kalimutan mo nangnaging kaibigan mo ako!" sigaw nito. Nakangisi lang ito
na tila ba balewalalang dito na may nadamay.
"Sumama ka nang maayos sa amin, Miss," anang pulis.
Hindi na siya nagsalita. Ngunit bagosiya sumakay sa loob ng police car ay tumigilmuna siya sa
tapat ni Gilbert saka bigla niya itong sinuntok ng malakas. Hindi alintanaang sakit na nanuot sa
kamao niya dahil sa tigas ng panga nito. Nasiyahan siyangmakitang dumugo ang gilid ng labi
nito.
"Noon ko pa dapat ginawa sa'yo 'yan!"nanggigigil na wika niya.
"ANONGoras ba ang meeting natin tomorrow kay Mr. Macalintal?" tanong niRoykay Leo.
Naroon silang magkakaibigan sa tindahan ni Olay at nagpapalipas ngoras.
"Alas-nuwebe ng umaga. Ayaw n'on ngtinatanghali, Pare," sagot naman ni Leo. Tumango-tango
lamang siya. Mayamaya paay dumating na ang iba pa nilang kaibigan.Si Dingdong ay agad na
dumiretso sa loob ng tindahan ni Olay.
"Olay, nakita mo ba si Panyang?"tanong nito.
"Ha? Ah... eh..." usal ng una.
Napakunot-noo si Roy dahil tila hindi ito mapakali. Halatang hindi alam ang isasagot. He
suddenly felt that something is not right, kasunod niyon ay biglang umahon ang kaba sa
kanyang dibdib sa hindi maipaliwanag na dahilan. Alam niyang, na may hindi sinasabi si Olay
and at alam din nito kung nasaan si Panyang.
"Bakit pare?" singit niya sa usapan.
"Nawawala na naman ang bubwit na babaeng 'yon. Pinuntahan ko sa bahay niya. Naka-
kandadoang pinto." Ani Dingdong.
"Olay,
may alam ka ba?" baling niya sa bading.
"Eh kasi... ano... ah..." nauuntal na simula ni Olay.
Magtatanong pa sana siya ulit nang biglang tumunog ang cellphone ng huli. Agad naman nitong
sinagot iyon. Ilang saglit pa ay umalingawngaw ang tili ni Olay sa buong paligid.
"My God!! Na-julie vega ng julis si Panyang!!!"