Hindi ko namalayang lumilipas na pala ang ilang linggo na nandirito ako bilang Nathalia. Minsan nga iniisip ko parang nasanay na yata ako. Nakakalabas na rin kasi ako sa bahay para bumili sa tindahan without being awkward at the place. Nasanay na rin ako sa pamilya ko at kay Harvy. I asked him to always fetch me at the office at exactly 5:00 PM. Mas okay na kasing sumakay sa kotse niya kesa sumakay ng jeep. Irritated pa rin ako minsan sa paligid ko but not too much. Lalung-lalo na minsan nang pumasok ako ng trabaho. May dadalhin sana ako sa office ng mayor nang madaanan ko ang mahabang pila sa treasurer’s office. Malamang ay mga nakapila iyon na magbabayad ng tax. Nakikita ko ang yamot sa mukha nila na nakadagdag rin sa pagkayamot ko. Pagtingin ko sa loob ng opisina ng treasurer naki

