Jelna’s POV Dahil ayaw akong kausapin ni Nate ay nagpasya akong pagtuunan nalang ng pansin ang anak ko. Araw-araw ko siyang hinahatid at sinusundo sa paaralan. Pero hindi rin naman ako kampante dahil kailangan ko ring malaman kung ano nangyayari kay Nate kaya kumuha ako ng mga tao na magmatyag lang sa AOC tower at sundan si Nate para malaman ko kung nagkikita sila ni Nathalia. Pagbalik ko sa textile company ay medyo nainis ako sa ilang pagbabagong ginawa ni Nathalia. Nainis rin ako sa isiping siya pa ang nag-launch ng clothing line ko. Lahat nalang pinakialaman at inari niya. Naiintindihan ko naman dahil na-amnesia siya at hindi niya alam na hindi siya si Jelna pero bumalik din naman ang ala-ala niya bakit itinuloy niya pa rin? Ayon sa medical records na nakuha ko mula sa ospital, mahi

