Chapter 26 DEAL Habang abala ako kakaaral para sa lessons ko ay may biglang lumapit sa akin. Wala kasi akong pasok ngayon kasi may seminar ang prof ko kaya hindi na rin lang ako umalis ng hotel. "Linisin mo ang kwarto ni sir Markieric ngayon din!" utos nong manager ng hotel. "What?" mahinang tanong ko. Sa pagkakaalam ko 'di naman ako naka asign sa house keeping ah? Pero sinunod ko na lang dahil wala akong choice. Kailangan kong magpalakas sa kuya niya.Makabawi man lang ako sa ginawa ko kanina. Pagkapasok ko sa kwarto ng Kuya ni Krishna at napamura ako nang wala sa oras! Parang dinaanan ng bagyo ang kwarto niya. Nararamdaman ko talaga na sinadya niya ito. Pinapahirapan ata ako ni bayaw ah! "Rodney, I need your help!" Tinawagan ko na si Rodney. Ano ba naman kasing alam ko sa houseke

