Chapter 29 EFFORTS — Rodney's POV — "Good morning!" Narinig kong sabi ni Niknok sa taas ng kama. "Asan na 'yong mga kasama ko?" Tanong niya sa sarili niya. Amp! Andito po kami sa sahig sir Niknok! Bwesit na batang yan parang human ceiling fan. Makaikot wagas! Mga dawalang beses niya akong nasipa nang malakas at dalawang beses akong nahulog sa kama. 'Yong paa pa niya napunta sa bibig ko kagabi.'Di na talaga ako tatabi sakanya kahit kailan. "Uy ba't diyan ka natulog kuya payat?" tanong niya sa' kin. Napansin niya na siguro na nandito kami sa sahig. Dumilat ako saka siya pinukol ng masamang tingin. Sabing 'di ako payat eh! Antaba kasi kaya napapayatan na siya sa' kin! "Mas masarap kasi sa sahig matulog. Tsk," walang ganang sabi ko. Antok na Antok pa ako! 'Di kaya ako nakatulog ng m

