ENNA’S POV Halos limang araw pa lang akong bumalik sa pagtatrabaho bilang kasambahay subalit nararamdaman ko na ang bigat ng aking katawan. Masakit na rin ang aking tahi dahil sa mga magaslaw na paggalaw. Mabuti na lamang pagkatapos ng tanghalian ay sa library ni Don Rafael ako naglalagi upang basahin ang mga papel tungkol sa mga benta sa bukid. Sa pagkakataon na ito ay nakakapagpahinga ako at hindi ko kinakailangang maglakad ng maglakad at tumayo ng matagal. Bukod pa roon ay nagkakaroon pa ako ng pagkakataon na makapag-aral dahil apat na buwan na lang ay pasukan na ulit at makakapag-aral na ako gaya ng pangako sa akin ni Don Rafael. “Enna, magpahinga ka muna. Halika rito,” yaya sa akin ni Tiya Madie sa kusina. Alas-tres na ng hapon, gumawa ng suman ang mga tagaluto kanina dahil s

