ENNA’S POV Hindi katulad ng mga nakaraang linggo, nagtagal si Jeth sa amin at binantayan nito ang paggaling ni Bugoy. Naging usap-usapan na rin kami sa aming lugar dahil sa nangyari kay Bugoy. Naging palaisipan sa lahat ang nangyaring pagpapatalsik kay Kapitan maging ang pagsasara ng mga negosyo nina Lester na kanilang ipinagmamalaki. Wala naman akong masabing dahilan dahil wala rin naman akong alam sa mga nangyayari bagkos marami ang nagpapaabot sa akin ng pasasalamat dahil sa pagkakakulong ni Kapitan. Nakakahiya rin dahil naging mainit ang mata ng tao sa amin lalo pa dahil hatid sundo ni Jeth ang mga bata sa eskwelahan. Hindi lang naman kasi simpleng kotse ang dala nito dahil sa iba na naman iyon kumpara sa dala nito noon. Ang naging bayad para sa danyos perwisyo ay ibinigay sa akin n

