Chapter 31 - Lulubog lilitaw

1340 Words

ENNA’S POV Hindi lang ako kung hindi pati na rin sina Bugoy ay masaya nang dumating si Jeth. Dala nito ang maraming mga pasalubong kagaya ng mga laruan, damit at kung anu-ano pang maaaring makapagpasaya sa mga bata pero ang mas nakapagpasaya para sa akin ay ang pagbabalik niya. Ang akala ko ay iyon na ang huling beses na aalis ito pero makalipas lang ang isang linggo ay nagpaalam ito ulit na aalis pabalik ng Maynila. Hindi lang isa, dalawa o tatlong beses itong umalis. Sa una ay may pag-aalala pa akong nadarama sa tuwing aalis ito pero habang tumatagal ay nakakasanayan ko na lang din. “Pasensya na, Enna. May trabaho kasi ako sa Maynila kaya kailangan kong umalis palagi. Kung gusto niyo, pwede kayong sumama sa akin ng mga bata roon. May bahay naman na akong pwede natin tirahan,” alok pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD