JETH'S POV It's been almost a year since I last saw them pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sila makalimutan lalong lalo na si Enna. Hindi ko alam kung saan ko sila hahanapin dahil nang muli akong bumalik ng Dela Paz ay wala na ang mga ito at ibang tao na ang nabungaran kong nakatira sa bahay kung saan ang mga ito noon nakatira. Nagtanong-tanong na ako sa mga naroroon pero wala namang nakapagturo sa akin kung nasaan siya. Maging sina Aling Mameng at Mang Eddy ay tinanong ko na rin ngunit maging ang mga ito ay walang maibigay na sagot sa akin. Sa halip, nabanggit sa akin ni Mang Eddy na pinapahinto na ni Enna ang kanyang pagtitinda sa palengke. Hindi lang nasabi sa akin dahil ang akala ni Mang Eddy ay nagkausap na kami. Ang naging huling pag-uusap daw nila ay pinuntahan siya ni Enna

