ENNA'S POV Para akong nagising mula sa isang nakalalasing na panaginip nang marinig ang pagtawag ng delivery rider sa labas ng bahay. Malakas kong naitulak si Jeth at saka ako mabilis na napatayo. Agad kong inayos ang aking damit at saka patay malisyang naglakad patungo sa kwarto upang kumuha ng perang pambayad saka dinaanan si Jeth na nakaupo pa rin. "K-Kuya, bayad ko po," bahagya pa akong nautal dahil sa itinatagong kaba. Bahagyang nakasarado kasi ang pinto na nangangahulugang may maliit na siwang pang natitira o nakabukas pa iyon ng kaunti dahil sa pag-alis nina Bugoy kanina. Iniabot sa akin ng rider ang aking parcel saka ang aking sukli. "Salamat po, Kuya." "Ah, pasensya na po sa istorbo," makahulugang sabi nito saka umalis. Para naman akong nababad ng matagal sa katirikan n

