Alas kwatro palang ng umaga, gumayak na kami ni Kane papunta ng pampangga. nagdesisyon kasi akong doon na mag-celebrate ng kaarawan ko, at pag-papaalam sa engagement namin. Gusto ko kasi isurpresa sila Papa at ipaalam sa unang pagkakataon ang relasyon namin. noon kasi ay patago lamang iyon at mga bata pa kami, we're not that matured enough. "I guess, we need to have a stop over first." ani nito, lumilinga linga pa sa akin habang nagmamaneho. As always, He still holding my hands while driving. Tumango ako bilang pagsang-ayon dito. "Sige, hindi pa tayo nakapag kape bago tayo umalis kanina." Nagdrive-thru nalang kami ni Kane para dere-deretso lang ang byahe namin. Matapos makapag order ni Kane, nagpasya kami na tumambay na muna saglit dito at ubusin ang kape namin. Nakapark muna

