Napagdesisyunan namin sa Fastfood nalang kami kumain, anong oras na din kasi. Pagkarating na pagkarating pagkain namin ay nilantakan agad namin iyon. Naikwento na din namin kung paano kami nagkabalikan ni Kane, kay Embry. Hinawakan ni Emby ang kamay ko, at marahang hinaplos iyon ng malaman na nya ang lahat. "Mabuti nalang talaga at okay na kayo. masaya ako para sa inyo-sayo Fannie," ani nito. Nginitian ko naman ito, at nagpasalamat. "Hindi ko din talaga akalain na magiging okay na lahat. akala ko talaga wala ng pagasa pa na maging okay kami." paliwana ko rito tsaka binalingan ang katabi kong si Kane, na nakikinig lang. "Sabi naman sayo eh, deretsahin mo lang yan! kita mo, kayo na ulit!" sambit nito, na tinanguan ko naman. "Salamat talaga sa kabayo! iba ka talaga Bashfull!?" tanong

