DRECIA MARIE
PAGKALABAS ko ng banyo ay nanghihina akong napaupo dahil sa narinig ko.
Pinuntahan niya si Daehan.
Nagbihis muna ako bago ininom yung pinakuha kong tubig.
Ilang oras akong naghintay sa kaniya hanggang sa bumukas ang pintuan dahilan para mapatayo ako.
"Harry..."
"Bakit gising ka pa?" Tanong nito pero walang nababakas na emosyon sa mukha nito.
"Hinihintay kita, bakit mo siya pinuntahan? Siya pa din ba hanggang ngayon?"
Hindi ito umimik, tinitigan niya lang ako.
"Sagutin mo ako! Kayo na ba ulit!?"
"Hindi!"
"Kung ganon bakit mo siya pinuntahan?!"
"Dahil kailangan niya ako."
Natawa ako. "Kasi mahal mo pa siya."
Puwede ba tumigil ka na?! Saka iniwan ko si Daehan para maging mabuting ama ako sa anak natin at magiging mabuting asawa sayo pero itong nalaman ko na may kinalaman ka pala sa nangyari sa atin, ewan ko na lang."
"A–anong..." naguguluhan na tanong ko.
"Huwag mong sabihin na ipagkakaila mo pa? Di ba humingi sayo ng tulong si Mother? Pumayag ka naman at ito yon, ang mabuntis ka at maikasal ka sa akin para maging ganap akong lalake."
"W–wala akong alam, Harry."
"Talaga? O baka ipinagkakaila mo lang talaga?"
Nag-iinit yung mata ko dahil sa samut-saring emosyon na nararamdaman ko. "Wala akong alam sa pinagsasabi mo, Harry!"
"Saka bakit ganyan ang tono ng pananalita mo? Parang pinagdududahan mo ako! Oo pumayag ako kay Tita Hannah pero hindi ko alam na ganito yon. Nagsisisi ka ba na may nangyari sa atin? Nagsisisi ka ba na nandito ang baby sa tyan ko? Akala ko ba okay na? Saka umasa ako na magbabago ka na e. Bakit naman gan–aray!"
Napadaing ako ng maramdaman ko na may kumikirot sa bandang tyan ko.
"You're bleeding." Namumutlang sabi nito.
"S–si baby." Naiiyak na saad ko.
Naramdaman ko na lang para bang lumulutang ako. Nakaramdam ako lalo ng kirot habang nanlalabo ang paningin ko.
"Ahhh!"
"Hold on, Marie."
Iyon na lang ang huli narinig ko bago ako mawalan ng malay.
**
HARRY
"BUTI NA LANG naidala mo kaagad siya dito kundi mawawalan ka ng anak, Harry," Sabi ni Keira.
Napatingin ako kay Drecia na hanggang ngayon ay walang malay. "It was my fault. Isinisi ko kasi siya at nag-away kami."
"Alam mo na masama sa buntis ang ganon, mas maganda kasi na iwasan ang puwedeng ikastress niya. Kung sinisi mo siya at nag-away kayo mas malaking stress 'yon at posibleng mawalan kayo ng anak."
Umupo ako sa tabi ni Drecia at hinawakan siya sa kamay.
"Mabuti pa at maiwan ko na kayong dalawa."
"Thank you, Keira."
"Wala iyon basta paalala lang iwasan niyo." Sabi nito bago lumabas.
Humarap ako kay Drecia. "I'm so sorry, Marie."
Bumukas bigla ang pintuan, pumasok sina Mother at sina Tita Veron.
"Anong nangyari?" Tanong ni Tita Veron.
"Hm... Nag-away po kami kaya dinugo siya."
"Nako! Dapat iwasan niyo."
"Sorry po."
"Dahil ba ito sa nangyari sainyo?" Tanong ni Mother."
"Y–yes." Nakayukong sagot ko.
"Veron, puwede bang mag-usap lang kami?"
"Oo sige, maiwan na muna namin kayo at babalik na lang kami."
"Thank you."
Nang makalabas sina Tita Veron ay hinarap ako ni Mother.
"Sinisi mo ba siya?" Tumango ako bilang sagot.
"Hindi mo dapat ginawa iyon."
Napayuko ulit ako. "I'm sorry, nadala lang ako ng galit ko."
"It's okay, ginawa ko lang naman iyon para sa ikakabuti mo at magsorry ka din kay Drecia."
Tumango ako bilang sagot. Napatingin ako kay Drecia ng may narinig akong mahinang ungol.
Nagmulat ito ng mata at tumingin sa akin. "Si Baby."
Ngumiti ako at hinaplos ang buhok niya. "Okay na siya."
Tumango ito at tumalikod sa akin.
"Iwan na muna namin kayo." Singit na sabi ni Mother.
Nang makalabas sila ay tumabi ang ng higa kay Drecia at niyakap siya mula sa likuran.
"I'm sorry kung sinisi kita, hindi ko dapat ginawa iyon. Sorry kung dahil sa akin ay muntikan ng mawala si Baby sa atin."
Tumango lang ito bilang sagot pero alam ko na hindi pa din okay.
"Hindi naman ako nagsisisi na may nangyari sa atin at hindi ako nagsisisi na dumating si Baby."
Humarap ito bigla at tinitigan ako. "Totoo?"
Tumango ako. "Oo. Kaya sorry ulit."
Tumango lang din ito at yumakap sa akin. "I love you."
Para akong nabato dahil sa sinabi niya.
"Okay lang kung hindi mo pa kayang ibalik 'yon, maghihintay ako, Harry. Kahit para ako yata ang lalake sa ating dalawa."