CHAPTER 3

710 Words
HARRY PAGKAUWI ko ay nakasimangot na pumasok ako sa loob ng bahay. "Bakit ka nakasimangot? Kauuwi mo lang." Lumapit ako kay Mother at nakipagbeso sa kaniya. "May nakilala kasi ako na babae, Mother. Pinsan siya nung kaibigan ko. Nakakainis kasi siya, kanina lang kami nagkakilala at kanina pa kami nag-aaway." Ngumiti ito bigla. "May dapat ba akong asahan?" "Ano naman, Mother?" "You know, magiging straight ka na." Para akong tinaasan ng balahibo sa sinabi niya. "No way, Mother!" Natawa ito. "Let see." Sabi nito. Napailing na lang ako. "That will never be happen, Mother. I swear." "Okay." Sabi nito na tila hindi naniniwala. "Mother!" Natawa ito. "Go to your room and change your clothes." Paakyat ako sa hagdanan ng marinig ko ang sinabi ni Mother. "I want to meet that girl, Harry." Humarap ako kay Mother. "No way, Mother." Ngumiti ito. "Yes way, Harry." "Why do you want to meet that woman, Mother?" "You know she fight with you, baka kasi nasungitan siya sayo. Kasi masungit ka naman talaga at may nakatapat ka na ngayon." Napailing na lang ako. "Don't Mother, hindi mo gugustuhin na makilala siya." Para naman sinisiraan ko yung babaeng yon. Gosh! "I will find that girl. I want to see your future girlfriend." Napakurap ako dahil sa sinabi ni Mother. "Mother! I'm gay and I will never be into girls." "Whatever you say, Harry." Sabi nito bago ako iniwan. Napailing na lang ako dahil sa sinabi ni Mother. ** DRECIA MARIE KASALUKUYAN akong palabas sa gate ng university, nang makita ko si Harry na papunta sa akin. Nang makalapit ito ay pinakatitigan ko siya, mat napansin ako. Iba ang gupit nito. "Harry." Kunot noo na tawag ko sa kaniya. "I'm not Harry, I'm Harrison." Pinakatitigan ko ulit siya, oo nga no? Mas matikas ang pangangatawan nito kumpara kay Harry. Ewan ko ba sa lahat ng bading na nakilala ko, siya tong malaki ang katawan pero mas malaki ang katawan nito. "May kailangan ka ba?" Tanong ko. "Follow me, gusto kang makita ng Mama ko." "Bakit daw?" Para akong kinabahan. "I don't know. Just follow me." Nadaanan pa naman si Harry. Nagtataka na tumingin ito sa amin. "Brother, why are you with her?" "Nothing." Sabi nito. Napairap si Harry. "You're being cold again." Hindi pinansin ni Harrison ang kakambal niya, hinawakan niya ako sa kamay at pumasok kami sa puting kotse. Pinapasok niya ako sa back seat. Napatulala ako sa kaharap ko, ang ganda ng ginang na mukhang kaedad lang ni Mama. "Ikaw si Drecia, di ba?" Nagtataka may ay sumagot ako. "Ako nga po." "I want you for my son." Napakurap ako dahil doon. "P–po? Sino pong anak?" "Harry." Singit na sabi ni Harrison. Para akong tinaasan ng balahibo sa katawan. "B–bading yon eh." Mahinang sagot ko. Narinig ko na tumawa ang dalawa. Nahiya tuloy ako. "He will be straight, once he fall in love with you." Umiling ako. "Hindi po mangyayari iyon, Ma'am. Saka mas maarte po yung anak niyo sa akin at wala pong mangyayari kasi mag-aaway at mag-aaway lang po kami." Ngumiti ito at hinawakan ang kamay ko. "Ako ang bahala, Hija." "Ma'am..." "You call me Tita Hannah, not Ma'ma." "Okay po, T–tita." "So, pumapayag ka na?" "Hindi ko po alam, Tita. Saka para naman pong pinamimigay niyo na ang anak niyo." Natawa siya. "It's not like that. Ayaw ko lang na tumanda ng bading ang anak ko, baka patay siya sa Daddy niya." "Takot po pala si Harry sa Daddy niya?" Tumango ito. "Sobra, minsan kasi hindi mabibiro ang Daddy niya." "That's true." Singit na saad ni Harrison. "Hindi ko po alam ang sagot, Tita Hannah." "Ako ang bahala. At pag nangyari iyon ay pagpasensiyahan mo na ako kung mangyayari ang gusto kong mangyari." Sabi nito. "Okay lang po iyon, Tita. Saka mukha naman po kayong mabait at hindi niyo po idadala sa gulo ang anak niyo." Napangisi ito. "No silly." "At minsan pala, Drecia ay ipapasundo kita dito para makapagbonding tayo okay?" Tumango ako. "Opo, Tita." Doon sa reaction ng mata niya noong bago niya iniba ang usapan ay parang may gagawin siya. Mabait naman si Tita Hannah dahil siguro sa mukha at pagsasalita pero mukhang desidido ito na may gagawin ito sa anak niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD