Hindi makapaniwala si Joyce sa narinig mula sa lalaki. Mistress? Kung nasa unang kapanahunan sila, matatanggap pa niya iyon because it meant a woman who has power or authority. Pero nasa modern days na sila at negative na ang ibig sabihin ng salitang iyon. Mistress, kabit. At napakawalang hiya nito para sabihin sa kanya iyon. Hindi pa naman siya ganoon kadesperada para patulan ito lalo't ilang buwan na lamang ay ikakasal na ito sa kapatid niya, sa mismong kapatid niya of all the people. At ano ba ang nais nitong palabasin? Hindi pa rin ba ito nakaka-get-over sa kanya at nais pa silang tuhugin ng kanyang kapatid? Ano ba ang gusto nitong mangyari. "Are you out of your mind?" hindi makapaniwalang tanong niya rito. "Hindi pa ba sapat sa’yo ang kapatid ko at kailangan mo pa akong idamay sa k

