"What?" pupungas-pungas na tanong ni Joyce sa kausap sa telepono. Her eyes were still closed for she was so sleepy. It was just five in the morning at kung sino man ang kausap niyang ito ay gusto niyang sakalin. Sa dami kasi ng taong pwede nitong istorbuhin ay siya pa na kulang sa tulog. She slept almost three am dahil nag-clubbing sila ni Arkris at lasing na lasing. At ngayon ay naiistorbo ang tulog niya dahil sa kung sinong hinayupak na ito. "Lil' sis," sagot ng Ate Irene. Napadilat siya ng mga mata nang marinig ang boses ng kapatid. Bakit ba ang aga-aga nitong mambulahaw sa kanya? At ano na naman ba ang kailangan nito sa kanya? "Yes. What can I do for the bride?" patuyang tanong niya sa kapatid. Pinarinig talaga niya na hindi niya gusto ang pang-iistorbo nito sa kanya. She was n

