Halos matabunan na ang mukha ni Fiel sa malaking bouquet ng bulaklak na dala-dala niya. Door # 3. Siniguro muna niya ang numero sa apartment ng dalaga bago pa niya nakuhang katokin ito. Samantalang sa loob ng apartment naman narinig ni Kate ang mahinang pagkatok. Napakunot-noo siya dahil wala naman siyang inaasahan na bisita. At hindi rin niya alam kung kaya pa ba niyang harapin ang kung sinuman matapos mawala sa kanya ang lahat. Flashback Galit na galit si Kate na sumugod sa opisina ni Marlyn at pabagsak na inilagay niya sa mesa ng kanyang editor ang latest magazine copy ng paparatzi kung saan siya nagsusulat. "Anong ibig sabihin nito, Miss Marlyn?" she demanded. Marlyn's face was a picture of unconvincing innocence. "You don't like the piece? Akala ko ba gusto mong makaganti sa kany

