Cloud POV Halos magunaw ang mundo ko dahil sa sinabi ng doctor ni May. Hindi ko alam kung gaano ako katagal umiyak sa harap niya. Nung medyo naging okay na ang pakiramdam ko, tinawagan ko si Yaya Loida at tinanong kung umuwi na ba si May at sinabi niyang hindi pa. Wala ako sa sarili na lumabas ng clinic ng doctor ni May. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. AT isang himala na hindi ako naaksidente habang nagdadrive ako. I felt so empty na parang nawalan ako ng ganang mabuhay. Na parang walang sence ang buhay ko. Aside from the emptiness that I am feeling, nakaramdam ako ng galit. Galit para sa sarili ko at galit para kay May for keeping everything from me. Ilang beses akong tumigil sa gilid ng daan para umiyak hanggang sa wala na akogn maiyak. Hanggang sa makarating ako sa tapat ng ap

