DALAWANG araw pang nanatili sa Isla si Marya kasama si Sakura. No'ng isang araw kasi lang ay dumating doon si Esrael at sinundo ang kapatid na si Judas dahil nagkaroon daw ng problema ang kumpanya ng kanilang ama sa Madrid. Dahil hindi naman puwedeng mag biyahe ang Don Demetrio dahil sa sakit nito ngayon ay wala ring nagawa si Judas kundi ang sumama kay Esrael. Kahit pa nangako siya kay Marya na hindi siya magiging busy habang nasa bakasyon sila. Well, Marya understand his situation anyways. Ito pa nga ang nag sabi sa binata na unahin ang problema nito, dahil puwede naman nilang ituloy ang bakasyon na iyon sa susunod. Tanging si Sakura at Sebas lamang ang nakasama niya sa dalawang araw na pananatili sa Isla. Si Brix naman ay biglaan din ang pag-alis pagkatapos ng meeting nito roon kaya hin

