Naghubad ng kanyang pang-itaas na shirt si Winston at nalantad ang mala-adonis niyang katawan. Grabehan ang umbok ng muscles at abs nito. Karina almost drooled.
Napakurap-kurap siya at bumalik sa kanyang katinuan.
"S-Start w-what?" nauutal na sagot ni Karina sa kanya. Ano ba ang una nilang gagawin? Iyong extra service ba o ang turuan niya itong magluto? Naguluhan naman siya. Naghubad na kasi si Winston. Inisip niya tuloy na baka mauuna ang bagay na iniisip niya ngayon. Sino ba naman kasi ang magluluto nang walang saplot? 'Di ba?
"Ang pagluluto. Bakit? Gusto mo na bang ikama kita ngayon na?" Panghahamon ni Winston kaya't bahagyang napaatras si Karina.
"H-Hindi, ano! N-Nagtatanong lang, e." Napakagat siya ng kanyang labi.
Hindi iyon nakatakas sa paningin ni Winston that's why he grabbed her neck and pulled her closer to him saka marahas niya itong siniil ng halik. Napasinghap si Karina sa gulat. Nagtagal iyon ng mga limang segundo bago siya tuluyang bitawan ni Winston.
Nahingal siya ng kaunti nang bumitaw ito sa paghalik sa kanya.
"You really want my kisses," ani Winston.
Napa-pout si Karina.
"Kasalanan ko pa ngayon na manerism ko ang pagkagat ng labi ko? Labi ko 'to. Hindi ko sinabing kagatin mo rin ang labi ko!" Pagsusuplada nito.
"What's yours is mine. You're all mine, Karina."
Napaiwas ng tingin ang dalaga at napatingin sa buo niyang katawan.
"Are we just going to stare at each other?"
"T-Tara na. Ano ba ang ituturo mo sa 'kin?" tanong ni Karina.
"Ano ba ang gusto mong matutunan?"
Napaisip si Karina. Ano nga ba? Wala naman siyang alam pagdating sa mga mamahaling lutuin. Ang alam lang niyang lutuin ay menudo, adobo, kaldereta, sinigang, paksiw, prito, pakbet, at kung anu-ano pang mga usual na lutuin. Madalas kasi siyang utusan ng tiyahin niya tuwing may bisita ito sa bahay. Akala mo naman ay fiesta kung makapagpaluto. Hindi niya naman pera ang nilulustay kundi ang pinaghirapan ni Karina.
"Hey!" suway ni Winston dahil natahimik si Karina.
"K-Kahit ano na lang."
"I'll teach you how to bake instead," maagap na sagot ni Winston.
Seriously? Marunong din itong mag-bake?
Napatulala sa kanya si Karina. Matangkad kasi si Winston. Sixth footer ito kaya't sino ba naman ang hindi siya titingalain ng literal?
"Nagbi-bake ka rin pala?" tanong ni Karina.
"Uhuh."
Napa-wow si Karina sa isipan niya. Grabe. Bukod sa mayaman si Winston, marami din siyang alam. Hindi siya tulad ng ibang mga bilyonaryo na spoiled dahil lumaking may ginintuang kutsara sa bibig. Siguro, inaral rin niya ang pagbi-bake?
"Bilib ka na sa 'kin niyan?"
"Halata ba?" Napakamot ng ulo si Karina.
"So, what do we have here. . ." Nag-isip ito saglit at inisa-isang tingnan ang mga ingredients na meron sa kusina.
"All-purpose flour, baking powder, eggs, confectionare's sugar, vanilla. . .what else," dugtong pa ni Winston.
"Wala ka bang recipe book?" tanong ni Karina.
"Do I look like I need a recipe?" Tumaas ang kilay nito.
"Sabi ko nga, e. Akala ko ba tuturuan mo 'ko? E, mukhang nagpapasikat ka lang yata sa 'kin, e. Pinagmamalaki mo lang kuno gaano ka kagaling magluto," nakapamewang na reklamo ni Karina.
"Ang ingay. Manuod ka kasi muna. Hindi mo ba alam ang scaffolding technique ni Vygotsky?"
"H-Ha? Anong Vygotsky? Pina-susyal ba iyan na term ng bigote?" natatawang tanong ni Karina.
"You really didn't attend to college, don't you?"
Natahimik si Karina.
"Paano naman akong makakapag-aral sa sitwasyon ko noon? E, kulang na lang kadenahan ako ng tiyahin ko sa paa. Kadena na nakakunekta sa bahay at bar lang para hindi ako makaalis."
"Fine, ako na muna ang gagawa at manood ka muna. Doon naman nag-uumpisa ang lahat," sagot ni Winston.
"Una, kailangan natin ng 1 cup all purpose flour. Ilagay natin dito sa malaking bowl para mas madaling maghalo."
Tahimik lang na nanonood si Karina.
"Make sure to seperate the dry ingredients to the wet ingredients. Ibang bowl ang lagayan nila pareho. Mamaya natin sila ipaghahalo."
Napakamot ng ulo si Karina.
"Ipanghahalo naman pala mamaya, e. Bakit hindi na lang paghaluin agad ngayon?" tanong niya.
Pinitik ni Winston ang noo niya ng mahina.
"Aray ko naman!"
"Ako ang nagtuturo sa 'yo. Kaya makinig ka sa 'kin."
"Fine."
"Pagkatapos nating mag-measure ng 1 cup all-purpose flour, mag-measure naman tayo ng 1 teaspoon of baking powder saka natin ihalo doon sa flour na nasa mixing bowl."
Tumango-tango lang si Karina habang nagbibigay ng instruction si Winston. Hindi nito mapigilang mapatitig sa mukha nito na seryoso sa ginagawa. Ang tangos ng ilong nito. Mahaba ang pilik-mata at may kaunting bigote. Napalunok siya nang dumapo ang tingin niya sa mga labi nito na hugis puso. Bakit ang guwapo mo, Winston?
Nahuli siyang nakatingin ni Winston kaya't bigla siyang napaiwas ng tingin.
"Ang sabi ko, panoorin mi ang ginagawa ko, hindi iyong titigan mo ako. Gusto mo pa bang mag-bake tayo o baka gusto mong ikaw ang masahin ko?" Pagbabanta nito.
Napaatras si Karina at inilayo ang sarili nito kay Winston.
"M-Magbake ka na nga!"
"Paano ka matututo kung ganyan ka kalayo sa kin? Ang kulit rin ng lahi mo 'no?"
Walang nagawa si Karina kundi lumapit kay Winston habang tinitingnan ito ng masama.
"Wala akong gagawin sa 'yo hangga't hindi natatapos 'tong ginagawa natin."
"May sinabi ba 'kong meron?"
"Tss. Next, maglagay tayo ng kaunting asin sa dry ingredients natin. Let's also pour the powdered sugar. Then mix lang hanggang sa mahalo ng mabuti. Here, you want to try?"
Natigilan pa si Karina.
"T-Try? A-Ako? Sure ka?"
"Mukha ba 'kong nagbibiro, Karina?" Pambabara nito.
"O," ani Winston sabay abot ng rubber scrapper sa dalaga.
"Ano'ng tawag sa bagay na 'to?" tanong ni Karina.
"Rubber scrapper 'yan. Puwede mong gamitin panghalo, pero ang talagang purpose niyan is to scrape your butter/mixture para simot." Pagpapaliwanag ni Winston.
Tumango-tango si Karina.
"Gano'n ba," sagot niya habang patuloy na hinahalo iyon.
"Tama na iyan. Let's prepare the wet ingredients," ani Winston. Nagpantig ang tenga ni Karina do'n at iba na naman ang naisip niya nang marinig ang salitang ‘wet’
"W-Wet ingredients?"
"Yeah. The eggs, vanilla, and milk. Ihahalo lang natin sila together. Use this whisk. Ikaw ang bumati nito," utos ni Winston.
"May ibang wet ka pa riyan sa isipan mo? Aside from your cherry pop pop?" pang-aasar ni Winston dahilan para marahan siyang sapukin ni Karina.
"Bastos!"
"Bastos? Me?"
"Sino pa ba? Alangan naman itong itlog na 'to ang bastos, e iyang espada mo ang tumusok sa 'kin!" walang pakundangan na sagot ni Karina.
"Ayaw mo bang batihin 'tong itlog? Iba ba ang gusto mong batihin?" pang-aasar ni Winston.
Nanlaki ang mga mata ni Karina sa sinabi nito.
"Hindi tayo makakatapos nito kung puro ka asar."
"Puwede naman nating ipagpatuloy iyon sa kama," he said teasing her.
"Ayaw ko nga! I'm still s-sore d-down there," ani Karina. Nahiya pa siya nang sabihin niya iyon. He cheeks went red. Mukhang imbis cake ang mabuo nila, bata yata ang mauuna nilang mabuo sa kapilyohan ni Winston. Hindi na alam ni Karina kung ano na ang susunod pa niyang sasabihin. Naramdaman na lamang niya ang mainit at mapusok na halik ni Winston sa kanya saka siya binuhat sa mahabang lamesa.