Karina seems to be day dreaming kaya sinampal-sampal niya ng mahina ang sarili niya. Baka kasi nananaginip lang siya ng gising dahil sa biglang pagmamalasakit sa kanya ni Winston. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala. Magkasama sila ngayon sa kuwarto mismo ng binata. Si Karina nakaupo sa may dulo ng kama. Si Winston naman ay nakaupo rin sa kabilang dulo. Kapwa walang imikan sa isa't isa. "Are you going to stay quiet all the time?" Si Winston ang nagsalita. Karina cleared his throat at hindi alam kung ano ang ire-react niya sa binata. "A-Aalis na ako. S-Salamat sa paggamot ng sugat ko kanina," sagot ni Karina. Hindi pa rin nito matingnan sa mata si Winston. Hindi niya maipaliwanag, pero nakaramdam siya ng hiya. "Hindi ako tumatanggap ng thank you lang, Karina." Natigilan s

