Nanginig ang mga kamay ni Karina nang pindutin niya ang video na ni-send sa kanya ni Winston. Hindi niya sigurado kung si Winston ang talagang nag-send niyon sa kanya pero kung siya man, wala siyang puso. Naghihimutok siya sa galit at sakit as she watched the video. She saw how Winston and Tiffany did the thing that they usually do in bed, parehas na walang saplot. Sobrang sakit. Hindi na niya kinaya pang tapusin ito. Parang winawasak ang buo niyang pagkatao. "Manloloko ka, Winston!!!" impit na sigaw niya. Pero hindi iyon naging sapat para maibsan ang sakit na nararamdaman niya. Unti-unti siyang pinapatay nito. Nanginginig ang buo niyang katawan. Nanlalamig. Hindi alam ang gagawin. Ang alam lang niya, niloko siya. Niloko siya ni Winston. Isang araw pa lang siyang nawala pero pinagpalit na

