Sumenyas ang Mommy ni Winston kay Manang Sela. Walang pag-aalinlangan naman itong lumapit sa kanya. Alam naman nitong kalmado lang ang Mommy ni Winston. Masyado iong mabait kumpara sa Daddy niya. Nasa trabaho na ang binata at sila na lang dalawa ang masinsinang natira dito sa luxurious living room nila. Nahihiya pa rin siya at kinakabahan. "Manang, can you please call the manager of the fashion department? I want everything that is best for this girl. What is your name again, darling?" she asked. "K-Karina po. Huwag na po! Ayos lang po ako. May mga damit pa naman po ako doon." Pagtanggi ni Karina. "Noted po, Madam. Tatawagan ko napo agadd ngayon." "I hate that. Ayaw kong tinatanggihan ako sa lahat ng bahay, iyan ang pinaka-ayaw ko." Napakagat-labi si Karina sa hiya. Aarte pa ba siya?

