"Waaah! Prinsesa! Bakit mo kami iniwan?!" "Prinsesa! Pakiusap gumising ka!" "Huhuhu! Prinsesa Prima!" "Bakit kailangan mangyari sa iyo ito? Sa katulad mong napakabuting tao." "Hindi dapat ikaw ang mamatay kundi ang mga masasamang tao na gumawa sa iyo nito!" Patuloy na balahaw ng iyak nina Calypso at Oenone habang nakaluhod sa tabi ng hinihimlayan ng kanilang prinsesa. Ganito na ang kanilang tagpo pagkatapos maiuwi ng grupo nina Blake ang wala ng buhay na katawan ng kanilang pinaglilingkuran. Sila pa nga ang mismong naglinis ng katawan ng prinsesa na natuyuan na ng kanyang sariling dugo kaya nakita nila kung gaano katindi ang natamo nito sugat sa kanyang dibdib para ikamatay niya. Hindi nila maiwasang makaramdam ng matinding galit para kay Marquiss Acrisius na siyang bumawi sa buha

