Mataas na tumalon sa ere si Blake habang buhat buhat si Calypso saka sinipa ang isang paa sa kisame patungo sa direksyon ng gintong pintuan. Sa isang malakas na sipa niya ay nagbuksan niya ang pinto. Tama ang hinala niya na walang tao sa loob nito kaya mabilis niyang inihagis sa loob ng opisina si Calypso. "Go!" Pagtataboy ni Blake kay Calypso paloob ng kwarto at unti unti niyang isinara muli ang pintuan. "Ako ang bahala rito! Diyan ka lang sa loob!" "T-Teka!" Pagtutol ni Calypso sa ginagawa ni Blake ngunit lumapat na muli pasara ang pinto. Sinubukan niyang buksan ito pero hindi niya akalain kung gaano ito kabigat para mabuksan. "Sir Blake!" Pagtawag niya sa kanya at kinalampag ang pinto. Subalit tanging mga hiyaw at nasasaktang ungol lang ang naririnig ni Calypso mula sa kabila ng pin

