Pagkalipas ng pitong taon... Lahat ng mga tao ay mga abala para sa kapistahan ng prinsesa. Kanya kanya rin sila ng paglalagay ng mga palamuti at bulaklak sa kani-kanilang mga tahanan. Sa ganitong paraan nila pinapakita ang pagpapasalamat sa kanilang namayapang prinsesa na ngayon ay isa ng Diyosa. Marami rin ang mangangalakal na nagkalat para maibenta ang kanilang mga paninda sa dagsa ng tao sa kapital. Karamihan sa mga produktong iyon ay mga bagay na may tatak ng mukha ng prinsesa. Para sa mga taong matapat na sinasamba siya. Ngunit ang mas dinagdagsa ng mga tao na may karamdaman ay ang malaking estatwa ng prinsesa sa gitna ng kapital. Dahil sa taon-taon na binibigay nitong himala sa lahat. Iniisip nila na ang estatwa iyon ay kumokonekta sa kanilang prinsesa at siyang gumagabay sa kani

