Sabay sabay na pinanuod ng lahat ang dahan dahan na pagsikat ng araw sa Silangan. Iniisip nila na ito ang magpapatunay ng kanilang tagumpay at ang sisimbolo bilang panimula ng pagbabago sa kaharian. Dahil rito ay muling nagkasiyahan ang ilan sa mga nakaligtas na mga kawal at ang iba pa sa kanila ay mga maluha luha na nagkayapan. "Mabuhay ang kaharian ng Calareta!" "Mabuhay tayong lahat!" Biglang napapitik ng daliri si Red na tila ba may naalala. "Hindi ba nasa palasyo ngayon si Prinsesa Prima?" Biglang sambit niya at halos magningning ang kanyang mga mata. "Hindi na ako makapaghintay na makita siya! Nais ko mapatunayan ang sinasabi niyo na nabuhay siyang muli!" Napahalakhak na rin si Frolan at tila nagyayabang dahil sa nakaharap niya ito. "Saka hindi pa nila sinasabi sa atin kung paan

