Nakaupo ako sa aking trono habang nakatingin sa tatlong opisyales na magalang na nakaluhod ang isang tuhod sa aking harapan. Inaasahan ko na medyo matanda na ang mga ito pero mga makikisig silang binata na tingin ko ay kasing edaran lamang ni Prinsipe Narcissus. Marahil sa kakaiba nilang katalinuhan ay nagawa nilang magtapos ng maaga sa akademyang pinasukan. Ngunit... alam ko na ipinatawag ko sila pero hindi ko akalain na agaran sila magtutungo rito. Parang mag-da-dalawang oras pa lang ang nakalipas mula ng ipatawag ko sila kay Oenone sa aking palasyo. "M-Magandang pagbati sa inyo, Prinsesa Prima." Mautal utal na sambit pa ni Baron Honos. Lalo ko sila pinagkatitigan ay napag-alaman ko ang panginginig ng katawan nila mula sa kanilang pagkakaluhod. Napabuga ako ng malalim na hininga. Na

