"Kamahalan! Nakikiusap kami na baguhin niyo ang inyong isipan!" "Mahal na Hari! Alalahanin niyo ang kalagayan ng buong kaharian sa oras na sa prinsesa niyo ipasa ang trono!" "Kamahalan! Hondi nararapat na piliin niyo ang prinsesa!" "Kamahalan! Pakinggan niyo ang aming pakiusap!" "Nagsusumama kami, Kamahalan!" "Mahal na Reyna! Nakikisap kami ng kumbinsihin niyo ang Kamahalan!" Tatlong araw na rin ang lumipas magmula nang isagawa ang selebrasyon ng kaarawan ng hari. Tatlong araw na rin nagsimula mag-protesta sa labas ng palasyo ang mga opisyales at nag-boycot ng kani-kanilang mga gawain. Tatlong araw ko na rin paulit ulit naririnig ang mga paulit ulit nilang mga sinasabi. Ang hindi ako karapat dapat sa posisyon, kahihiyan ako ng pamilyang Calareta at ipatapon na lang ako sa hangganan n

