Natapos ang aming tanghalian dahil may mga kawal na dumating para sunduin sina Prinsipe Orion. Ang pagkarinig ko ay agaran na ipinapatawag ang lahat ng prinsipe ng Amang Hari sa kanyang palasyo. Napipilitan man ay isa isa sila nagpaalam sa akin at nangako na bibisita muli sila para kamustahin ako. "Prima, ipagpapatuloy natin ang usapan sa mga susunod na araw." Seryosong sambit sa akin ni Prinsipe Orion na aking ikinalunok. "O-Okay." Tanging pagsang-ayon ko sa nais niya at tumayo na rin sa aking kinauupuan. Kumaway naman sa akin ang ibang prinsipe bago nila sinundan ang sumundo sa kanilang kawal patungo sa palasyo ng kanilang Amang Hari. Nang tuluyan na makaalis sila ay napabuga ako ng malalim na hininga dahil kahit papaano ay nakatakas ako sa kanilang paggigisa. Alam ko na habang tuma

