Episode 2 # Lies

1368 Words
Chapter 2 Jinky Tulala akong nakaharap sa malaking salamin, habang pinagmamasdan ang hubad kong katawan. Wari bang sa paraang yon ay makikilala ko ang aking sarili at babalik na ang mga nawalang alaala. Its been one year since I wake up from being in coma. Sabi ng family ko five years akong nasa coma stage. Naaksidente daw kami ng asawa kong si Anton habang papunta sa tagaytay kung saan kami dapat maghohoneymoon. I lost my baby dahil buntis ako nang maaksidente kami. Napadako ang paningin ko sa mahabang guhit na na mula sa ilalin ng aking pusod pababa sa aking puson. Ito ang pilat na hindi kayang burahin ng kahit anong sabon at cream. Dahil tagos hanggang puso ko ang iniwang sakit nito. Ni hindi manlang ako nabigyan ng pagkakataon na maging ina sa kanya. Hindi ko mapigilan ang mapaluha nang maalala nanaman ang anak ko, kahit hindi ko man siya matandaan ay dama naman siya ng puso ko. Five years old na sana siya ngayon. "Hindi ka manlang nabigyan ng pagkakataon na masilayan ang mundo at makilala kami ng daddy mo anak." Kausap ko dito na wari bang nandiyan lang siya sa tabi ko. Natigilan ako sa pagiisip nang makarinig ng sunod sunod na pagkatok. "Hon,are you done?" narinig kong tanong ni anton. Agad ko namang dinampot ang rob na hinubad ko kanina at isinuot muli pagkatapos ay agad ko siyang pinagbuksan ng pinto. "Just a minute." Sagot ko dito. "Okay! kunting bilis hon, nakakahiya kena mommy kapag nalate tayo." sagot nito. "Okay." Tugon ko dito at muling isinara ang pinto. Mabilis kong isinuot ang dress na inihanda ko kanina. Papunta kami sa bahay ng parents ko ngayon, dahil birthday ng mom ko. light make up lang ang inilagay ko sa aking mukha, at hinayaan ko nalang na nakalugay ang aking mahabang buhok. Muli kong pinagmasdan ang sarili sa harap ng salamin. Nakakapagsuot na ako ngayon ng mga dress na tube style dahil nawala na ang mga pilat na iniwan ng aksidente sa katawan ko. Thanks sa beauty soap and cream na ginamit ko. Maayos narin akong nakakalakad at nakakapagsalita. Tinanggap ko ang pagiging magasawa namin ni Anton. We live in thesame house but not sharing in one bed. May mga bagay parin na hindi malinaw sa akin, lalo na sa nararamdaman ko para sa kanya. Anton is a good man, no doubt about it but I cant see myself being a wife to him. His more like a brother to me than a husband. I dont know if dahil ba sa pagkawala ng alaala ko kaya ako nagkakaganito. Why do I have this feeling that there's something wrong. But I can't figure out what is it. Hindi naman siguro ako lolokohin ng pamilya ko. Maybe I just need more time para makasanayan ko ang set up namin and learn to open myself to him. Sa isang taon na nakasama ko siya, I see how good his heart. He is a loving and a caring husband to me. Siya rin ang matiyagang nag alaga at umalalay sa akin hanggang sa makabalik ako sa normal. Kaya hindi narin naman ako nagtaka sa kwento ng mga parents namin, that were childhood sweetheart and so inlove to each other. I'm hoping that one day, time will come na maalala at maramdaman ko ulit ung pakiramdam na yon. Isang malalim na buntong hininga muna ang aking pinakawalan bago nagpasya na lumabas na ng kwato ko. Nadatnan ko siyang nakaupo sa sofa, habang matiyagang nagaantay sa pagbaba ko. Sumilay ang mga ngiti sa labi nito nang matanaw ang paglapit ko. Agad siyang lumapit sa akin at inilahad ang palad nito. Maagap ko naman itong tinugon, at magkahawak kamay kaming nagtungo sa kanyang sasakyan. Simple at hindi kalakihan ang bahay namin sapat lang sa maliit na pamilya na pinaplano nito. Isa or dalawang anak lang ang gusto niya. Para mas maalagaan daw namin and we can still have quality time for each other. Hays! yong ibang babae ay kinikilig na sa ganoong salita ng mga asawa nila pero bakit ako wala manlang maramdaman. Dahil parin ba ito sa aksidente? Mabilis nitong binuksan ang pinto ng sasakya at inalalayan ako papasok. "Dumaan muna tayo sa mall Anton." Saad ko nang nasa highway na kami. "Huh? why?" takang tanong nito. "I'll buy a gift for mom." Sagot ko "No need hon, may gift na ako diyan para kay mommy." Saad nito. "Tsk! gift mo yon, iba naman yong sa akin." Turan ko naman dito. "Pero hon-" "Anton please.." Putol ko sa sasabihin pa sana nito. Napabuntong hininga nalamang ito at hindi na nagsalita. Naging abala ako nitong mga huling araw sa ospital kaya nawala sa isip ko ang pagbili ng gift para kay mommy. Nakabalik na ulit ako sa pangagamot. Dahil pag aari naman ng pamilya ko ang Bolivar Medical Center ay walang naging problema. Kahit naman nawala ang memorya ko ay nanatili parin ang kaalaman ko bilang doctor. Pagdating namin sa mall ay sa isang jewelry shop kami nagpunta. I chose to buy a set of jewelry. Hindi naman maarte si mommy sa alahas pero ang gusto nito ay iyong unique ang design. Naglalakad na kami sa hallway ng mall pabalik sa parking lot nang mamataan ko ang isang batang umiiyak. Pabalik balik itong naglalakad na para bang may hinahanap. May kung anong damdamin ang biglang umahon sa puso ko. Agad ko siyang nilapitan, the face of this little boy remind me of someone. May kakaibang damdamin ang pumupukaw sa puso ko, Na hindi ko magawang mapangalanan. "Are you lost, baby boy?" tanong ko dito na pumantay pa sa kanya para makita ko pa lalo ang mukha nito. Ang gwapong bata naman nito! ani ng isip ko. Maang itong napatingin sa akin, pagkuway ay agad akong sinugod ng yakap. "M-mommy!" saad ng maliit nitong boses. Nanigas naman ako sa kinalalagyan, ngunit agad ko ring tinugon ang yakap nito, hays! ang sarap sa feeling! I feel home. Bahagya ko pang naipikit ang mga mata para mas namnamin ang sarap na nadarama. Natigilan ako nang marinig ang pagtikhim ng asawa ko. "Lets go hon, dalhin nalang natin siya sa customer service, Im sure hinahanap narin yan ng parents niya." Mahabang turan ni Anton. Sumangayon naman ako sa sinabi nito.Inakay ko ang bata sa paglalakad papunta sa customer service ng mall. Tahimik na ito at hindi na umiiyak. "Yes please.. Do everything to find my son please.." Narinig kong sabi ng isang lalaki sa kausap nitong mga guard at ilang staff ng mall. Nakatalikod ito sa gawi namin. Para namang biglang lumundag ang puso ko, his voice is so familiar. Parang narinig ko na ito dati. "Daddy!" sigaw ng batang kasama namin at patakbong lumapit sa nakatalikod na lalaki. Agad naman itong lumingon sa gawi namin. Nakita ko ang pag awang ng mga labi nito. Pakiramdam ko ay saglit na huminto ang t***k ng puso ko nang magtama ang paningin namin ng lalaki. God! I need air! sigaw ng utak ko. Wala sa sarli ko pang naipaypay ang kamay sa mukha ko.. "Are you okay hon?" narinig kong tanong ni Anton. tinanggal nito ang pagkakatitig sa akin at binalingan ang anak. Mahigpit niya itong niyakap at pinangko. Pakiramdam ko ay may mga nagtatakbuhang kabayo sa dibdib ko nang makita ko itong palapit sa amin habang kalong nito ang anak sa kanyang bisig. Ang sarap nilang pagmasdan. "Thank you for bringing my son's back." turan nito ngunit kay Anton nakatingin. "Welcome, we saw him in the hallway while crying." Sagot naman ni Anton. May kinuha itong calling card sa bulsa ng pulo nito at inabot sa asawa ko. "Im Architect Christian Doroteo, If you need anything just call me." Saad nito. Para namanang nagecho sa pandinig ko ang pangalan nito. Animoy matagal ko na itong naririnig. "C-Christian..." Wala sa sariling bangit ko sa pangalan nito. Why do I feel I'm missing something or maybe someone. Hindi ko na namalayan ang mga nangyari. The next thing I know ay nasa sasakyan na kami at binabaktas ang daan, patungo sa bahay ng parents ko. That man reminds me of something or maybe someone that I cant remember. My mind forget it but my heart feels it...I need to do something
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD