Chapter 1
MSCMMRC®2016
========================================================
JD's POV:
"GHAD JD, WAKE UP!!" Nagising naman ako sa sigaw ni Krystelle. Ang aga-aga puputok nanaman ugat neto sa leeg. Kainis! Sakit-sakit pa ng ulo ko eh!
"GET OUT STELL!" Sigaw ko pabapik at nagtalukbong ng kumot. Agad naman yun hinila kaya napaupo na ako at sinamaan siya ng tingin.
"Gumising ka na dyan! Aba, tanghali na humihilik ka pa dyan. Bakit ba kasi nagpakalunod ka masyado dun sa bar!" Ganda ng batian namin no? Ganito talaga. Nakatira kami sa iisang bahay, kaming apat lang na magkakaibigan. Nagpatayo talaga kami, para magpaka-independent daw.
Kami mismo gumawa ng design neto, at ako yung nagsketch. Kahit hindi naman ako architect, kaloka! Di ko alam may ganun pala akong talent, haha. Nagtulong-tulong kami para mabuo yung design neto, kaya eto na!
Mga may trabaho na kami kaya nakapundar na kaming apat netong dream house namin. Taray diba? Haha.
"Eto naman, wala namang pasok eh. Hayaan mo na akong matulog." Sabi ko na nakapikit parin. Binatukan niya lang naman ako na kinamulat ko.
"Gaga! Magsisimba tayo, para mabawas-bawasan yang mga kasalanan mo! Humingi ka ng tawad para dun sa mga lalaking iniwan at niloko mo." Napanguso naman ako kaya hinampas niya ako nung unan na kinatawa ko.
"Oo na! Layas, maliligo na ako. At, pakiready nga ng gamot sa hang over. Parang bibiyak yung ulo ko eh." Sabi ko. Tumango naman siya tsaka siya lumabas. Dumeretso lang ako sa banyo para maligo, kinuha ko yung isang pantalon at t-shirt at syempre converse shoes!
**
"JD, sus ginoo! Umayos ka nga, nasa simbahan ka. Gumising ka nga." Alog sa akin ni Chelsea para magising ako. Inaantok talaga kasi ako, letseng hang over yan.
Naparami ata tapaga nainom ko kagabi. Mabuti naman tong tatlo parang wala lang sa kanila, palibhasa konti lang ininom ng mga to. Kaya, pinilit kong wag matulog sa kalagitnaan ng misa. Hikab lang ako ng hikab.
Pagkatapos ng misa, inunahan ko na sila sa paglabas at bumili kaagad ng kape.
"JD?" Napatigil akosa paginom ng kape taka lumingon.
"Oh? May problema ka? Diba break na tayo shupe, kakagaling ko lang ng simabahan kaya wag mo kong galitin." Sabi ko at inubos yung kape ko. Aalis na nga sana ako ng pigilan niya ako kaya napalingon ako sa kanya.
Ang amo-amo ng mukha. Sayang gwapo sana, kaso lang ang bobo naman.
"Come back to me Jayd, please. I love you." Napasapo naman ako sa noo ko. Bobo nga talaga, ano bang hindi niya maintindihan sa mga sinabi ko?
"I told you, we're over Christian. Bye!" Nakangiting sambit ko at inagaw yung kamay ko sa kanya at mabilis na tumakbo paalis dun.
Nakita ko naman sila na naghihintay sa labas ng sumabahn kaya lumapit na ako sa kanila para sabay na kaming umalis.
"I saw that Jayd, diba si Christian yun? Yung 5 hours boyfriend mo?" Tumawa naman ako tsaka tumango. Inakbayan ko lang si Chelsea na kina tili niya. Lakas talaga ng kiliti niyan sa leeg.
"JD! Sabing wag akong akbayan eh!" Singhal niya. Tumawa naman kami tsaka na kami naglakad paalis.
"Gosh girl, kilala mo ba yung lalaking huling naka-usap mo kagabi? Ang hawt niya talagaaa!" Tili ni Krystelle sabay hampas niya sakin.
"Kaya lang, kagaya mo siya. Isang playboy. Every month sandamakmak na mga babae ang napapa-iyak niya. Isang Exor, yun. Kaya nananalaytay sa dugo niya pagiging gwapo. Siya si Chlyde Yael Exor, ikapito sa magkakapatid na Exor." Napatulala lang kami kay Lara sa sinabing impormasyon, napaghahalataan tong si Lara eh. HAHA!
"Uuuy, bakit mo alam yan? Stalker ka no?" Saad ni Krystelle na kinabugnot ng mukha ni Lara tsaka siya inirapan.
"PAanong hindi ko malalaman? Yun yung palaging topic ng mga officemates. =__= kaya saulado ko na yan. Nakakapeste nga eh, lalo na yung kapatid niyang si Chester. Binubwisit palagi ako sa trabaho." Natawa naman ako sa ekspresyon ni Lara.
"Uy, I sense something..ayiie!" Panunukso ni Chelsea. Inirapan lang siya ni Lara at naunang pumasok sa kotse. Tumawa naman kami sa tinuran niya. Nagsipasukan narin kami sa kotse at nagdrive na ako para makakain na kami.
Sa isang restaurant kami kumain, pinili ko talaga yung masarap at makakatipid pa kami. Actually si Krystelle lang, haha libre niya kasi kami. May bagong flight kasi siya, kaya eto nanglibre ang bruha.
"Stell, buffet ah? HAha..para busog talaga tayo." Suhestyon ko. Sumang-ayon rin ang bruha tsaka na kami umupo at lumapit yung waiter.
Habang naghihintay, talak ng talak yung dalawa. Panay yung tukso nila kay Lara na namumula na.
"Haha! Ang cute mo talaga Lara Joan Gamboa. Kamatis na mukha mo oh! Napaghahalataan ka eh!" Halakhak ni Stelle at napapahampas na sa table kakatawa.
Napatingin naman ako sa paligid namin, nakatingin nayung mga tao sa amin at yung iba napapangiti nalang dahil sa tawanan at kalokohan naming apat. Pero, napako yung tingin ko sa isang table. Nakatingin siya sa gawi namin, pamilyar siya. At ang dami nila sa table nila.
"Food is heereee~" naais lang yung tingin ko sa kanya ng magsalita si Chelsea at napako na yung tingin ko sa pagkain. Nagdasal muna kami bago nilantakan yung pagkain namin.
"OMG! Nandito pala silaaa~ sheeet. Si Sedrick Exor yun diba? Ang pogi niya talagaaaaa kahit sa personal!" Tili ni Stelle na katabi ko. Kahit puno yung bibig ko napatingin ako sa direksyon na tinitingnan niya.
Napalunok ako, pati yung kinain ko nalunok ko dahil nakita kong nakatitig parin pala siya sa amin? Or akin? At nakangiti pa.
*cough cough* "d-dalawang malaki.." sabi ko. Napakunot naman yung noo nila habang nakatingin sa akin.
"TUBIG! Shunga!" Sigaw ko. Nataranta namang inabutan ako ni Lara ng tubig.
"Whoooo! Muntik na akong mamatay, latse!" Sabi ko at inubos na yung tubig. Pero yung mukha nila ganun parin, nagtataka parin..
"Paano naging dalawang malaki yung tubig?" Takang-taka na tanong ni Chelsea.
"Tu like two, so dalawa..at Big, diba malaki yun? Kaya dalawang malaki." Sabay tawa ko. Binatukan naman ako ni Stelle tsaka sila nagpatuloy sa pagkain. "Nakakatawa kaya, diba? Dalawang malaki, tubig. Hahaahahaha!"
"Lara paki-abot nga nung kutsilyo, may papatayin lang akong napasobrahan sa mais." Tumawa pa ako ng malakas kaya nakuha ko na yung attensyon ng mga tao.
"Nakakahiya ka talaga Perote!" Sabay tayo ni Chelsea at ngumiti sa mga costumer na kumakain. "Pasensya na po kayo, hindi po nakainom ng gamot tong kaibigan namin kaya tinopak. Sorry po, kumain na po kayo."
Ngumiti-ngiti naman ako kay Chelsea kaya pinagbantaan na ako sa tinidor na hawak niya. Kumain nalang kami ulit, pero hindi naiwasan yug kwentuhan at tawanan namin. Pero syempre mahina na.
"Excuse me, beautiful ladies." Napabitin sa ere yung kutsara ko na akman susubo ko na ng may magsalita sa tabi ko na nakatayo. Teka, isa to sa kasama nung lalaking nakatitig dito sa gawi namin kanina ah?
Asan na yun?
"Looking for me?" Napatingin ako sa kabilang dako ng table namin at napalunok ulit ako. Mabuti wala pang laman yung bibig ko.
"Anong kelangan mong bakla ka ?" Tanong ni Lara dito sa katabing lalaki ko. Pansin ko, ang sama ng tingin niya dito. Magkakilala kaya sila?
"Oy, tomboy dito ka pala." Balik asar sa kanya nung lalaki. Ang pogi naman neto. Hihihi
"Kahit kapatid ka ni Sedrick, babanatan ko yang pagmumukha mo kung hindi ka pa umalis sa harapan ko." Kapatid siya ni Sedrick Exor? AY taraaay! Kaya pala ang pogi eh. Pero sino ba to?
"Chill! Init kaagad ng dugo neto, magpapakilala lang daw yung kapatid ko dito sa kasama mo. Mukhang natipuhan eh." Napatingin naman ako sa tinuro niya. Kapatid niya? Naks, lakas ng dugo ng mga to. Ang popogi eh.
"Hi, we've met before. Sa bar kagabi." Pilit kong alalahanin yung sinabi niya at yung nangyari kagbi sa bar, pero hangin lang eh.
"Siya yung last na lalaking nakausap mo kagabi sa bar." Tumango naman ako sa binulong ni Stelle tsaka ako tumayo at nakipagkamay sa kanya.
"Hi, JD nga pala. Ikaw?" Nakita ko pang nagulat yung mukha niya sa tinanong ko at napatawa pa pati narin tong kapatid niya.
"You dont know me?" Napakurap lang ako sa kanya ng ilang beses. Bago siya tumikhim at shinake yung kamay namin.
"Chlyde Exor." Nakangiting sambit nya. Malanding ngiti. Alams na! my new victim.
========================================================