Chapter 23
MSCMMRC®2016
========================================================
JD's POV:
'I like you Jayd'
That confession, that kiss! Uwaaaah! Mamamatay na akoo!
*poink*
"Aray! Bakit ka nambabatok?!" SInghal ko kay Chelsea.
"Mukha kang tanga! Pangiti-ngiti ka, kinikilabutan kami sayo! Sinasapian ka na ata eh!" Pagkasabi nun ni Chelsea lumabas si Stelle na may hawak na Bible at Rosaryo sabay tapat sa akin.
"Diyos ko po! Alisin nyo po ang napakasamang ispirito na sumanib sa kanya! Halleluya! Amen!"
"AMEN!" The two said habang nakatapat sa akin yung mga palad nila at nakapikit.
=_________=
"Ano ba?! Pagbubungguin ko kayong tatlo eh!" Sigaw ko at akmang tatayo na sana at susugudin yung tatlo ng may bumukas ng pintuan at niluwa nun ang dalawang tao na matagal na naming hindi nakikita!
"SHANON! IVY! KYAAAAAAAAAAH!" We all shouted at sinugod yung dalawang kakarating. Nakalimutan ko tuloy na paghahampasin ko yung tatlo dahil sa tuwa na umuwi yung dalawa dito.
"I MISSED YOU BITCHES!" SIgaw ni Shanon na kinabatok ni Ivy sa kanya. Kahit kelan talaga kasi bunganga ng babaeng yan.
"Anong masamang hangin ang nalanghap niyo at naisipan nyong umuwi dito ha?" I started. Well the group is united, and me being the 'leader' of our group kelangan kong kumprontahin to. ABa naman, ang tagal bago magpakita eh.
"Bawal?! Nagdrama at kinulit pa namin mga magulang namin para lang maka-bisita dito, aba! Magpasalamat nalang kayo!" Ivy stated. We all just laughed and hugged each other once more.
"Ang dami kong chika sa inyo!" Chelsea said at hinila yung dalawa paupo sa sofa. While me and Stelle just grab their baggage at dinala sa mga kuwarto nila. Tsaka kami bumalik sa kanila na nagsisitilian at naghahampasan na.
"Really Lareng? The Great Atty.Chester Exor is your boyfriend?!" NAkita kong namula si LAra at nanlaki yung mata.
"WHAT? KAHIT KELAN DI KO MAGIGING SYOTA ANG BAKLANG YON! EVER!" NApatawa nalang din kami at umupo rin sa sala.
"Chelsea said! And.." sabay tingin sa akin ni Ivy.
"You and Chlyde Exor? That playboy?" I just shruged at ngumiti at nagdaydream ulit sa kanya. Naalala ko ulit yung sinabi niya. Ahihihi.
Syempre dalagang pilipina kuno, kahit na may nangyari na. Pakipot konti ako noon.
*flashback
"I like you Jayd."
"ANO?!"
Halos lumuwa na ang puso ko sa sobrang kabog neto. He just smiled at me and saw mix emotions in his eyes. Gusto ko mang maniwala pero pilit bumubulabog sa akin yung mga sinabi ng mga kaibigan ko.
"I really like you Jayd." Magsasalita sana ako ng may maramdaman ako sa lalamunan ko kaya dumeretso ako sa sink at isinuka ang dapat na isuka, nakakainis. Napasobra nanaman ang nakain ko, kaya eto di kinaya ng tiyan ko at nilabas nalang.
"Are you okay? Here drink up." Inabot ko naman yung tubig atsaka uminom ng konti. Hinahagod niya lang yung likuran ko at kita sa mukha niya yung pag-aalala.
"Napasobrahan lang ako sa pagkain, kaya nasuka." Tumango naman siya at giniya ako paupo.
"But what i said, i reall mean it. S-so, can i ask y-you something... argh! This is so not me.." frustrated niyang sabi habang nakaiwas yung tingin sa akin. Ako naman tong kinikilig. Sheet!
"Okay, walang Exor na torpe. Kaya mo yan Chlyde!" I hear him whispered. Napakagat nalang ako sa labi ko sa sobrang kilig. Napahigit ko yung hininga ko ng humarap ulit siya sa akin.
"I really like you JD Perote, please give me a chance to prove it. Can I court you?" Napalunok ako ng sunod-sunod.
Isang Chlyde Exor na kilalang playboy, asking to court me?! Uwaaah! MAmamatay na ata ako, kaya ako pinapasaya ng bongga ni Lord eh!
"U-uh..pwedeng pag-isipan ko muna?" He just sighed and nod.
*end
"Lutang nanaman ang isa dyan. Konti nalang talaga magpapatawag na ako ng ekspertong esperitista." Napapailing nalang ako sa sinabi ni Chelsea tsaka siya binato ng unan. Nakita ko naman yung mga mukha nila, they're all looking at me as if Im the most weird person on earth.
"Im fine guys! Kinikilig lang ako!"
"Weh? Sino nanaman yang laruan mo?" Taas kilay na tanong ni Ivy.
"Im not playing anymore guys. I've changed, and I swear im not going to be a playgirl ever again." Tila nagulat naman ang mga mukha nila at sabay sign of the cross.
Nakita ko pang nagbasa si Stelle ng Bible kasama si Lara, habang sina Chelsea at Shanon nagdadasal ng rosary. Si Ivy? Umiral ang pagiging Doktora at para akong isang may malubhang sakit kung icheck niya.
Whaaaaaa, ano bang nangyayari sa kanila?! Ganun ba talaga kagulat-gulat na nagbabago ako?!
**
"Ang sharaaaap! Hoy! Akin lang to, im not sharing! Rawr!" I said at niyakap ang tatlong pack ng marshmallow at chocolate spread ko. Ayan nanaman yung tingin nila, aba! Eh naging paborito ko na tong pagkain eh, isa pa bigay to ni Chlyde. Ahihihi.
Nag-uumpisa na siya sa panliligaw sa akin. Kyaaaaaah! I've never experience to be courted before, yung sa amin ni Edward? Nah, we just go out and date. The usual American style of how to get a girl.
"Konti nalang ulit talaga, masasabi kong naglilihi ka dyan. Pinupurga mo ba sarili mo sa marshmallow at chocolate nayan?" Napatigil naman ako sa pagkain at nagkibit balikat sa sinabi ni Lareng. Napapailing nalang siya at kumuha nalang ng ice cream nila sa ref.
Bigla naman may kumabog sa dibdib ko nung sinabi ni Lara yung paglilihi. Asus! Asa naman =_=, kahit naman may nangyari. Hindi naman ibig sabihin buntis agad. Pero kung oo man, im happy, magkakababy kami ni Chlyde. Ohdiba lahat masaya! Siguro mauuna pa magdiwang mga magulang ko kesa sa akin eh.
Pero impossible.
*ting ting*
From: Chlyde♥
Hey, kamusta ka? Sorry di na ako nagstay, nagka-emergency lang sa office eh. Dont worry babawi ako.
Napapangiti nalang ako habang binabasa yung text niya. So ganito pala ang isang Chlyde Exor, yung hindi playboy at isang normal na lalaking nanliligaw. SHet! ANg haba ng hair ko!
"Chels, maawa ka tawagan mo na yung espiritista. Baka nasaniban na eh, nakakatakot."
Napahinga ako ng malalim at sasakyan ko nalang yung gusto ng mga to. Kuno napasukan ako ng masamang espirito at dahan-dahang humarap sa kanila with my tiger look. Halata agad yung gulat at pamumutla nung lima, tinapat pa sa akin ni Stelle yung rosaryo na hawak niya habang nanginginig.
"Wag nyo akong paalisin dito sa katawan niya!" I tried my best na gawing malalim yung boses ko at gumagargal. Nagsiksikan naman sila sa dulo at nagtutulakan pa.
"Ma-maawa ka kung sino ka mang demonyo ka! Please, lubayan mo na ang kaibigan namin! Huhu!" Umiyak na ng tuluyan si Ivy at nagsumiksik sa kanila.
"UWaaah! Wag ako, letseng ina naman oh! Papasukin niyo ako! Huhu..gusto ko pang mabuhay!" Talak naman ni Chelsea.
"Huhu, maawa ka Demunyu ka! Sasagutin ko pa si Chester, papakasalan ko pa ang baklang yun. Wag ako! Uwaaaaaah! Huhuhu!" Ngawa naman ni Lara. Ayan napapa-amin tuloy, wahahaha! Kayo may gusto neto eh.
Di ko na napigilan kaya tumawa na ako. Napapaupo pa ako sa sahig sa kakatawa at tinuturo silang lima na masama na kung makatingin sa akin lalo na si Lareng na namumula.
"LETSENG INA KA JANNA DANICA!" Sabay na singhal nila tsaka ako sinugod, ako naman tong mabilis na tumayo at tumakbo papalayo sa kanilang lima. Haaaay! NAMiss ko ang ganito kami palagi. Haha, bata umasta at maglaro.
Halos malibot na namin ang buong bahay sa paghahabulan at dahil nga may pagkalampa ako pagdating sa takbuhan nahabol nila ako dahil nadapa lang naman ako sa carpet. =___=
"Haha. Namiss ko talaga kayo!" Ivy stated sabay sandal sa akin. I just smiled and look at them.
"Outing tayo?" I suggest. Nagkatinginan naman sila at wabay sabay nagkangitian.
"GAME!"
========================================================